Bianca Gonzalez responds to netizen over "walang kwentang artista" tweet

IMAGE Instagram (@iamsuperbianca)

ABS-CBN host Bianca Gonzalez responded to a netizen who told her to focus on hosting her show rather than ending up becoming a "walang kwentang artista."


Sinagot ni Bianca Gonzalez ang isang netizen na umakusa sa kanya bilang “walang kwentang artista.”

Kaugnay pa rin ito ng isyu tungkol sa paglilibing kay dating pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Noong nakaraang linggo, August 10, nakipagsagutan ang Pinoy Big Brother host sa isang netizen na binatikos si Bianca tungkol sa mga isyu kaugnay ng Martial Law.

READ: Bianca Gonzalez criticizes netizen for tweet about martial law

Pero hindi pa rin natapos doon ang paksa.

Sa kanyang Twitter account noong August 10, sinagot ni Bianca ang isang netizen (@Msheem23) na inalipusta ang host at sinabing mag-focus na lang ito sa PBB at baka matulad na ito kay Jim Paredes na “walang kwentang artista.”

Si Jim ay kilalang anti-Marcos.

Tweet ng nasabing netizen kay Bianca “Mag-PBB ka na lang Ate Bianca, baka matulad ka kay Mr. Paredes 'walang kwentang artista.'”


Burado na ang nasabing tweet pero may nakapag-screengrab nito. Nag-private na rin ang netizen.

Sinagot ni Bianca ang netizen ng ilang linya mula sa isang awitin ng APO Hiking Society, ang dating grupong kinabibilangan ni Jim.

Bumuhos naman ang suporta ng mga netizens para kay Bianca at pinuna ang ibang kabataan na walang alam sa kasaysayan ng Martial Law at ng diktaduryang Marcos.

Sabi pa ni Bianca, may mga netizens talaga na malakas ang loob mag-tweet, pero nagbubura at nagpa-private ng account kapag sinagot.

Nagpasalamat din si Bianca sa papuri sa kanya ng mga netizens at sinabing nakikiisa lamang siya sa sentimyento ng ibang tao na may parehong paninindigan tungkol pa rin sa usapin kung dapat ilibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN