Ces Drilon answers netizens defending former president Marcos

by Bernie V. Franco
Aug 14, 2016
Ces Drilon hits back at netizens who criticized her opinion opposing former president Ferdinand Marcos's burial at the Libingan ng mga Bayani

Sinagot ng ABS-CBN news anchor na si Ces Drilon sa kanyang Instagram account ang mga netizens na pumapabor sa paglilibing ng dating pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani at ang mga sumusuporta sa diktador.

Ngayong Linggo ng umaga, August 14, nag-post si Ces ng kanyang larawan suot ang putting pang-itaas.

Ani Ces sa caption, “White is the color of the day,” at ginamit ang hashtag na #notomarcosburialinlnmb.

White is the color of the day. #notomarcosburialinlnmb

A photo posted by Ces Drilon (@cesdrilon) on

Ginanap ngayong umaga ang isang rally ng tumutuligsa sa desisyon ni Pres. Rodrigo Duterte na payagang mailibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Sa comments section ng nasabing post, may mga netizens na tumuligsa kay Ces sa kanyang opinyon tungkol sa isyu.

Isang netizen (@iamgjgerard) ang nagkomento at sinabing maraming nagawa si Marcos at nakinabang noon ang mga mahihirap.

Hinamon pa ng netizen si Ces na magbanggit ng nagawa ng administrasyong Aquino.

Sagot ni Ces dito, marami ngang nagawa si Marcos, gaya ng pag-torture at pagnakaw sa kaban ng bayan.

Continue reading below ↓

Muling sumagot ang netizen at hinamon si Ces kapag nailibing na sa mga bayani si Marcos dahil pinayagan na ito ni Pres. Duterte.

Sinabi pa ng netizen na mag-focus na lang si Ces sa mga bandidong Abu Sayyaf na nagbabanta ng terorismo.

Ginamit pa ng netizen ang hashtag na #rememberingdpast na marahil ang tinutukoy ay ang pag-hostage ng bandidong grupo sa grupo ni Ces noon.

Nabura na ang nasabing comment.

Pero sinagot ito ni Ces.

Aniya: “Being President doesn't always mean you are right.”


May isa pang netizen (@lynvillamor) na sumasang-ayon sa pagpapalibing kay Marcos sa libingan ng mga bayani at ipinagtanggol pa ang pagnanakaw ni Marcos noon at biktima ng torture.

Continue reading below ↓

Sinabi nitong kahit nagnakaw si Marcos ay may nagawa naman ito, kumpara sa ibang pulitiko na nagnakaw pero walang nagawa.

Sinabi rin nito na kahit may na-torture noon, marami pa rin siyang nagawa na nakinabang ang mga tao.

Sinagot ito ni Ces at sinabing kung ganito mag-isip ang mga tao ay huwag nang bigyan ng pagpapahalaga ang integridad.


Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ces Drilon hits back at netizens who criticized her opinion opposing former president Ferdinand Marcos's burial at the Libingan ng mga Bayani
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results