Zanjoe Marudo reacts to rumored reconciliation of Bea Alonzo and Gerald Anderson

IMAGE Noel Orsal

Zanjoe Marudo on ex-girlfriend Bea Alonzo: "Hindi naman kami magkaaway at saka ayaw naming mag-away. Kasi nga, hindi rin namin kayang maging magkaaway."


“Ano bang balita? Hindi ko alam! Hindi na ako magku-comment, daw, hindi tayo sure.”

Ito ang paiwas na sagot ni Zanjoe Marudo noong una nang tanungin tungkol sa napapabalitang pagbabalikan ng dati niyang girlfriend na si Bea Alonzo at ng ex-boyfriend nitong si Gerald Anderson.

Pero positibo naman ang sagot ng Kapamilya actor kung sakaling totoo ito.

Aniya, “Mabuti, mabuti para kay Bea, mabuti para sa kanila. At least ngayon, mas open na.

“Mas mae-express na nila kung anuman yung nararamdaman nila kung meron man talaga.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Zanjoe sa thanksgiving presscon para sa patapos nang ABS-CBN drama series na Tubig at Langis, na ginanap sa 9501 Restaurant sa ABS-CBN compound, noong Sabado, August 13.

Ganunpaman, may mga umaasa pa ring magkabalikan sina Zanjoe at Bea, lalo na't may mga sighting na magkasama sila.

Reaksyon ng Kapamilya actor tungkol dito, “Well, hindi naman natin alam ano ang mangyayari.

“Sa tingin ko, okey naman kami parehas… okey na nga ako, okey na siya.

“Sana, kung anuman ang mga mangyayari sa amin, ang tagal na, e, ang tagal na ng breakup.”

Noong mga unang buwan na naghiwalay sila ni Bea, nag-attempt ba siyang makipagbalikan?

Tugon ni Zanjoe, “Alam niyo, sa five years namin, parang ang dami rin namang opportunities na dumaan.

“And then, nung natapos yun, siguro yun na yun.”

Hindi rin naman daw sila magkaaway ni Bea.

“Hindi naman kami magkaaway at saka ayaw naming mag-away.

“Kasi nga, hindi rin namin kayang maging magkaaway.”

Paano niya nasabing wala na talaga, give up na siya?

Sabi ni Zanjoe, “Ang hirap, tuloy binabalikan ko ang mga pangyayari, past na, e.

“Paano tayo aabante, di ba, kung palagi nating babalikan?”

Hindi naman itinatanggi ng aktor na sa mga naging karelasyon niya, si Bea ang isa sa masasabi niyang espesyal talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo naman, ang tagal namin, at hanggang ngayon naman, hindi naman mawawala yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN