Zanjoe Marudo admits he is attracted to Isabelle Daza

IMAGE Noel Orsal

Zanjoe Marudo on Tubig at Langis leading leadies Cristine Reyes and Isabelle Daza: "Kung sino yung next na magiging karelasyon ko, sana may ugali ni Belle at ni AA [Cristine]. Ang dami nilang qualities na maganda na sana meron yun kung sino man ang next na makikilala ko."


Ayon kay Zanjoe Marudo, ang mga katangian ng leading ladies niya sa Tubig at Langis na sina Cristine Reyes at Isabelle Daza ang gusto niyang makita sa susunod niyang girlfriend.

“Kung sino yung next na magiging karelasyon ko, sana may ugali ni Belle at ni AA [Cristine],” sabi ng Kapamilya actor.

Anu-ano ba ang mga katangi-tangi kina Cristine at Isabelle?

Ayon kay Zanjoe, “Ang dami nilang qualities na maganda na sana meron yun kung sino man ang next na makikilala ko.

“Like si AA, grabe yung suporta niya, ngayong may pamilya na siya.

“Yung pagiging responsable niya bilang may anak na at may asawa.

“Na hindi ko naman nakikita sa kanya before, noong magkatrabaho pa kami.

“Ngayon, ibang-iba na.”

Kay Isabelle?

“Yung pagiging maasikaso sa lahat, yung hands-on, yun ang hinahanap mo sa isang babae.

“Yung hands-on sa lahat, hindi lang isang pamilya, hindi lang basta umaasa.”

Inusisa rin si Zanjoe kung may iba ba siyang naramdaman kay Isabelle.

“Ano ba, ano ba kayo?!” natawa niyang sagot.

Parang iba kasi ang mga hirit niya at pagbanggit kay Isabelle sa presscon.

Paglilinaw ni Zanjoe, “Iba lang kasi ang personality niya, hindi lang ako, lahat kami.

“Aminado naman ako, sa aming lahat o ano, mabait talaga siya.”

Nagkaroon siya ng atraksiyon?

“Siyempre,” pag-amin niya.

May panghihinayang ba siyang ikakasal na si Isabelle sa French boyfriend nitong si Adrien Semblat?

Tugon ng aktor, “Hindi naman sa panghihinayang, friends kami before pa kaming mag-artista.

“So, friends kami ni Belle.”

Kilala rin daw ni Zanjoe ang fiance ni Isabelle. Hindi kaya siya pinagselosan nito?

Sabi ni Zanjoe, “Hindi, kapag nagkikita kami, before pa, before-before pa na-meet ko na.

“Nitong namatay ang daddy niya [Isabelle], na-meet ko ulit [her fiance].”

May dine-date ba siya ngayon o girlfriend kaya?

“Single, open ako to anyone,” sagot ni Zanjoe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN