PEP statement on discrepancies between PEPsters' Choice microsite and audited results (Filipino Version)

The PEP List is now on its third year.


Nais linawin ng mga editors ng Philippine Entertainment Portal ang ilang mga isyung lumabas kaugnay ng THE PEP LIST AWARDS ngayong taon.

BACKGROUND. Ang PEP.ph, na nagsimula noong 2007, ay isang website na naka-focus sa local entertainment scene. Mayroon itong average monthly page views na 50 million at may average monthly unique users na 4 million. (Ang mga numerong ito ay base sa Google Analytics.)

Kalahati ng bilang na ito ay mula sa Pilipinas, habang ang kalahati naman ay mula sa mga sumusunod na bansa (paakyat, base sa laki ng bilang): Hong Kong, Japan, United Kingdom, Saudi Arabia, Australia, Singapore, United Arab Emirates, Canada, at United States.

Noong 2014 ay sinimulan ng PEP.ph ang THE PEP LIST AWARDS. Nahahati ito sa dalawang kategorya: Editors’ Choice at PEPsters' Choice. Base na rin sa pangalan ng mga kategoryang ito, ang una ay binubuo ng mga nanalo na pinili ng PEP editors; ang pangalawa ay binubuo ng mga nanalo na pinili ng PEPsters—bansag namin sa PEP readers—sa pamamagitan ng online voting.

Sa parehong KATEGORYA, mayroon kaming independent auditing firm, ang PUNONGBAYAN & ARAULLO, upang isagawa ang final tabulation at validation ng mga pumasok na boto. Ang PEP.ph ang nag-iisang grupo sa local entertainment scene ngayon na kumuha ng isang independent auditing firm upang i-audit ang mga boto at puntos ng mga nominees.

ISSUES. Noong Agosto 10, 2016, natanggap ng PEP editors ang tabulation ng Punongbayan & Araullo para sa The PEPsters Choice awards.

Dito namin unang napag-alaman na mayroong malaking kaibahan sa resulta ng The PEPsters Choice na lumabas sa aming microsite at sa resulta ng The PEPsters Choice na na-audit.

CATEGORIES WITH DIFFERENT SET OF WINNERS
Newsmaker of the YearAlden Richards & Maine MendozaDingdong Dantes & Marian RiveraDifference of Votes
Website Numbers7,487,1838,556,9061,069,723
Audited Votes4,272,4441,071,1383,201,306
Invalid Votes3,214,7397,485,768
Celebrity Pair of the YearAlden Richards & Maine MendozaDaniel Padilla & Kathryn BernardoDifference of Votes
Website Numbers35,165,94341,283,8476,117,904
Audited Votes18,687,66314,039,9724,647,691
Invalid Votes16,478,28027,243,875
Teen Star of the Year (Male)Darren EspantoNash AguasDifference of Votes
Website Numbers3,120,8713,282,085161,214
Audited Votes3,041,7831,666,6471,375, 136
Invalid Votes79,0881,615,438
Child Star of the YearSebastian Benedict "Baeby Bae"Jana Agoncillo "Ningning"Difference of Votes
Website Numbers263,731368,231104,500
Audited Votes259,53624,590234,946
Invalid Votes4,195343,641
CATEGORIES WITH SAME SET OF WINNERS
Movie Star of the Year (Female)Kathryn BernardoNadine LustreDifference of Votes
Website Numbers6,261,9853,149,9063,112,079
Audited Votes3,207,8292,695,215512,614
Invalid Votes3,054,156454,691
Movie Star of the Year (Male)Daniel PadillaJames ReidDifference of Votes
Website Numbers2,901,9481,451,9521,449,996
Audited Votes1,711,7921,101,650610,142
Invalid Votes1,190,156350,302
Wedding of the YearDingdong Dantes & Marian RiveraPaul Soriano & Toni GonzagaDifference of Votes
Website Numbers829,712609,145220,567
Audited Votes749,802606,873149,929
Invalid Votes79,9102,272
Teen Star of the Year (Female)Kathryn BernardoLiza SoberanoDifference of Votes
Website Numbers5,157,3351,121,3374,035,998
Audited Votes841,106626,653214,453
Invalid Votes4,316,229494,684

In-invalidate o pinawalang-bisa ng Punongbayan & Araullo ang milyun-milyong mga boto.

Base sa kanilang validation process, nakitang may mga user na nagawang direktang i-access ang codes ng system, sa kabila ng mahigpit na security measures na prumotekta sa botohan ng THE PEP LIST sa unang dalawang taon nito, 2014 at 2015.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa madaling salita, nagawang i-override ng hackers ang system.

Halimbawa, alinsunod sa voting rules, ang bawat user, na may valid Internet Protocol (IP) address, ay pinapayagan lamang bumoto ng hanggang 100 beses sa isang araw. Nadiskubre ng auditors na may ilang users na bumoto ng 10,000 beses kada isang araw, sa pagitan ng mga petsang May 25, kung kailan nagsimula ang botohan, hanggang July 8, kung kailan opisyal na nagsara ang botohan.

Nadiskubre rin ng auditing firm ang ilang pagkakataon kung saan nakaboto ang may invalid user IDs, o may bumoto sa labas ng voting period.

Ang mga nanalo sa The PEPsters Choice na inanunsiyo namin noong AUGUST 12, 2016, sa pamamagitan ng isang artikulo na nailathala sa PEP.ph sa nasabing petsa, ay ang OFFICIAL LIST ng mga nanalo na ibinigay sa amin ng aming auditing firm.

READ PEP List Year 3: KathNiel, AlDub, DongYan are PEPsters' Choice winners!

APOLOGIES. Ikinalulungkot ng mga editors ng PEP.ph na nakalusot sa aming system ang mga paglabag na ito at nalaman lamang namin nang natapos ang official tabulation at validation ng Punongbayan & Araullo.

Lubos kaming humihingi ng paumanhin sa mga fans, sa mga artista, at sa talent managers na naapektuhan ng problemang ito.

Kinikilala at pinapahalagahan namin ang napakalaking pagsisikap at pagsisigasig ng fans na bumoto para sa kanilang mga paboritong artista, at ikinalulungkot namin na ang matapat na gawain ng nakararami ay natakpan ng aksiyon ng ilan.

Tinatanggap namin na kailangang ipatupad ang mas istriktong proseso upang maiwasang maulit ang paglabag na ito. Ipinagpapatuloy ng PEP ang imbestigasyon sa insidenteng ito at magsasagawa kami ng karampatang hakbang sa mga susunod na proyekto na may kasamang pagboto ng mga tagahanga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN