Lea Salonga on Sharon Cuneta: "Yup, she lost weight."

IMAGE Noel Orsal

The Voice Kids coach Lea Salonga (right) attests that her fellow coach Sharon Cuneta (left) lost a lot of weight, which the people will see at the grand finals of The Voice Kids Season 3 this August.


Maging si Lea Salonga ay napa-'wow' at kinumpirmang pumayat na nga ang fellow coach niya sa The Voice Kids Season 3 na si Sharon Cuneta.

Sa tweet niya ngayong Miyerkules, August 17, sinabi ng Broadway star na nabawasan na ng “considerable amount of weight” ang Megastar.

Noong nakaraang linggo, sinabi ni Sharon na makikita ang kanyang bagong timbang at “sexy” figure sa grand finals ng The Voice Kids sa huling linggo ng Agosto.

Ikinuwento pa ni Sharon na nagulat ang dalawa niyang kaibigan, kabilang na si Direk Olive Lamasan, nang makita ang kanyang larawan.

Gayunpaman, may mga nagkomento pa rin ng negatibo tungkol kay Sharon.

Ilang beses na raw itong sinabi ng aktres noon, pero tila hindi naman nabawasan ang timbang niya.

Read: Sharon Cuneta to unveil her 'sexy figure' on grand finals of The Voice Kids

Samantala, sa dalawang pinakahuling tweet ni Sharon ngayong Miyerkules, tila may balidasyon na nga ang kanyang pagpayat dahil nagkausap na umano sila ng Star Cinema managing director na si Malou N. Santos.

Tweet ni Sharon, binisita siya ni Ms. Malou sa kanyang dressing room nitong Martes at sinabihang magpapayat pa ng 10 lbs. upang masimulan na ang shooting ng kanyang pelikula.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN