Kim Rodriguez to fly to Japan to be with her sick mom

IMAGE Noel Orsal

Kim Rodriguez hopes to be given more work to help defray the cost of treatment for her mom, who is diagnosed with throat cancer. "Medyo mahal ang pagpapagamot ni Mommy… pero alam kong kakayanin namin. Sana magkatrabaho na ako para dagdag panggastos sa pagpapagamot."


Nagdiwang ng kanyang 22nd birthday si Kim Rodriguez noong Linggo, August 14.

Ang pinaka-wish niya ay ang agarang paggaling ng kanyang ina na mayroong throat cancer.

Naka-based sa Japan ang ina ni Kim.

Pahayag ng Kapuso actress sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Kaya nga pupunta ako ng Japan para samahan ko si Mommy habang wala pa akong work.

“Sasamahan ko siya sa pagpapagamot, medyo mahal ang pagpapagamot ni Mommy.

“Pero alam kong kakayanin namin.”

Kaya hangad din ni Kim, “Sana magkatrabaho na ako para dagdag-panggastos sa pagpapagamot ng mommy ko.

“And para na rin pambayad ko sa car at house ko.”

Ginanap ang birthday celebration ni Kim sa Salu Restaurant na pag-aari ng mag-asawang Romnick Sarmenta at Harlene Bautista.

Naroon ang kanyang manager na si Jenny Molina at mga kasama niya dati sa Tween Hearts na sina Ken Chan, Kristoffer Martin, at Teejay Marquez.

Dumalo din ang brother ni Gerald Anderson na si Ken Anderson at ang rapper na si Young JV.

NO-SHOW. Lahat daw ng mga kaibigan ni Kim ay inimbita niya sa kanyang birthday celebration, pati ang napabalitang naging boyfriend nitong si Kiko Estrada pero hindi ito nakarating.

Sabi ni Kim tungkol kay Kiko, “Okey naman kami, magkaibigan pa rin kami.

“Pero hindi na katulad ng dati na lagi kaming magkasama at nagkikita.

“Siguro medyo naging busy siya sa taping ng show niya and ako naman sa pag-aaral.”

Nauugnay na ngayon si Kiko sa kapwa nila Kapuso star na si Barbie Forteza.

Wala raw love life ngayon si Kim.

“Wala po, may mga nagpaparamdam pero wala pa talaga.

“Siguro sa ngayon mas priority ko muna yung pag-aaral at career, tsaka na ang love life.

“Mas gusto ko talaga bigyan ng oras yung mommy ko kasi may sakit siya, tsaka na ang mga boys.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN