Jolina Magdangal surprised by Jason Francisco's IG post about marital problem with Melai Cantiveros

IMAGE Noel Orsal

Jolina Magdangal on Jason Francisco's outburst on social media: "Ayokong mag-judge na mababaw ba ang tao o hindi. Baka iba ang hugot niya. Baka may pinagdaanan yung tao, so hindi ko siya puwedeng i-judge na ganun. Sa akin lang, sana bago inilabas sa social media, pinag-usapan nila nang bonggang-bongga. Hindi na kailangan sanang lumabas, kasi mag-asawa yun, e, family yun."


Bagamat ikinalulungkot ni Jolina Magdagal ang nangyayari ngayon sa pagsasama ng mag-asawang Melai Cantiveros at Jason Francisco, bumilib daw siya sa kanyang co-host sa Magandang Buhay dahil sa ipinapakita nitong katatagan.

Saad ni Jolina sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Napi-feel bad ako for Melai kasi nakikita ko kung gaano niya binibigyan ng importance ang family niya.

“Parang sa kanya, basta sa family niya, kahit anong ibato niyo... parang ganun.

“Pero nalulungkot ako dahil nangyayari yung mga ganyan.

“Pero nabibilib ako sa kanya, kahit ganun, hindi mo siya maringgan na may sinabi siyang masama sa asawa niya, wala.

“Talagang iniintindi niya.

“At bilang may asawa, nabilib ako sa kanya.

“Hindi man nangyari sa akin o mangyari sa akin, sana gusto ko, maging ganun ako.

“Na kahit na alam na ng lahat dahil nga nailalabas sa social media.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jolina sa event ng Super Twins diapers, sa Gaisano Grand Mall, Cebu City, noong August 12.

JASON’S IG POST. Ngunit inamin ni Jolina na nagulat siya nang ilabas ni Jason sa social media ang kanyang saloobin tungkol sa estado ng pagsasama nila ni Melai.

Read: Melason no more?: Jason Francisco writes open letter about split with Melai Cantiveros

Pahayag ng Kapamilya star, “Na-feel bad lang ako kasi hindi naman naglalaro ang asawa mo.

“Ang hirap, ha, taping siya, diretso ng talk show, tatlong episodes, makita mo yung energy niya.

“Parang nakakalungkot lang.

“Pero problema nila yun. Hindi natin alam kung paano sila sa bahay, parang ganun.

“So, nasa sa kanila yun. Sana lang, bago lumabas…”

Marami ang nagkomento na ang babaw raw ng dahilan ni Jason para makipaghiwalay.

Sinabi kasi nito na nakiusap silang mag-asawa sa mga namamahala ng dating afternoon soap na We Will Survive na ibahin ang istorya ng mga karakter na ginagampanan ni Melai at ng leading man niya ritong si Carlo Aquino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lumalabas na nagseselos si Jason sa love angle nina Melai at Carlo sa teleserye.

Siya ba ay nababawan din dito?

Sabi ni Jolina, “Ayokong mag-judge na mababaw ba ang tao o hindi. Baka iba ang hugot niya.

“Baka may pinagdaanan yung tao, so hindi ko siya puwedeng i-judge na ganun.

“Sa akin lang, sana bago inilabas sa social media, pinag-usapan nila nang bonggang-bongga.

“Hindi na kailangan sanang lumabas, kasi mag-asawa yun, e, family yun.”

MELAI’S STRENGTH. Sa kabila ng nangyari, hindi raw dumating sa puntong iniyakan sila ni Melai.

Saad ni Jolina, “Hindi, hindi talaga sa nangyari.

“Minsan siguro tulaley, pero mabibilang mo yun.

“Siguro kasi, nae-energize siya kapag maraming tao.

“Kaya nga sabi ko, ‘Ang galing nito, ang galing ng taong ‘to, malakas.’

“Siguro kasi, kasama rin niya si Mela [Melai’s daughter].”

Pinayuhan ba niya si Melai?

Ayon sa Magandang Buhay host, “Ano lang, kasi siyempre, kahit marami kang kasama sa bahay… kasi mga kasama niya rin sa bahay, kadugo niya o kadugo ni Jason.

“Kung kailangan niyang pag-usapan, nandito lang kami ni Ate Karla [Estrada].

“Kung kailangan niyang lumabas, sabihin niya lang.

“Kung kailangang puntahan namin siya, pero hindi kami para makialam.”

JEALOUSY. Pareho sila ni Melai na naging kapareha ni Carlo Aquino sa isang teleserye.

Nagkasama sina Jolina at Carlo sa dating afternoon soap ng ABS-CBN na Flordeliza.

May dahilan ba para pagselosan ni Jason si Carlo?

Ayon kay Jolina, “Well, unang-una, matagal ko nang kasama si Carlo.

“Pangalawa, mas bata ito sa akin, so wala, wala.

“Wala kang dapat ikaselos kay Carlo, lalo na kay Melai, kasi mabait yung asawa mo.

“At sobrang… kung alam niya lang kung paano sila ipagmalaking mag-ama.”

Sa parte naman ni Jolina, hindi raw naging isyu sa mister niyang si Mark Escueta kung mayroon man siyang kapareha sa mga proyektong ginagawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkaroon din siya ng kissing scenes.

Aniya, “Napag-usapan na kasi namin ‘yan dati, as long as kailangan sa istorya, why not?

“Pero kung ginagawa para lang… ako mismo, aayaw.

“At saka, isa pa, si Marvin [Agustin] yun, e, tapos si Direk Wenn [Deramas], at nandun yung tiwala ng asawa ko.”

Ang yumaong si Wenn Deramas ang nagdirek ng Flordeliza, na nagsilbing comeback project ni Jolina sa ABS-CBN.

Hindi niya naramdaman na nagselos kahit paano si Mark?

Tugon ni Jolina, “Wala, wala akong naramdamang coldness or selos, ikinukuwento ko yun kay Melai.

“At saka, yung support ni Mark, sa love team, hindi sa eksenang yun.

“Pero kumportable akong ginawa yun dahil alam kong sinuportahan ako ng asawa ko sa kabuuan ng proyektong yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN