Sam Concepcion mum about rumored relationship with Kiana Valenciano

IMAGE James Patrick Anarcon

Sam Concepcion remains silent about the real score between him and Kiana Valenciano. According to Sam, he will answer all questions about them at the right time.


Kumakalat ang balitang nagde-date daw ang singer-actor na si Sam Concepcion at ang anak ni Gary Valenciano na si Kiana.

Matatandaang noong nakaraang linggo ay kumalat sa Internet ang isang litrato kung saan nakitang hinahalikan ni Sam ang pisngi ni Kiana.

Sa episode naman ng Tonight With Boy Abunda noong August 9, sinabi ng manager ni Sam na si Carlo Orosa, sa pamamagitan ng text message, na maaaring 'friendly kiss' lang ang ginawa ng singer-actor.


Sa book launch ng play na No Filter, sa Frank and Dean restaurant, sa Bonifacio Global City, ngayong araw, August 18, ay nakitang magkasama sina Sam at Kiana.

Sam Concepcion and Kiana Valenciano are here at #sandboxnofilter book launch.

A photo posted by PEPalerts (@pepalerts) on

Kabilang sa cast ng play si Sam at ang kapatid ni Kiana na si Paolo Valenciano.

Subalit sa kalagitnaan ng event ay nawala na si Kiana.

Kaya naman sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng event, natanong si Sam kung ano ba talaga ang status nila ngayon ni Kiana.

Ito ang naging maikling sagot ng 23-year-old actor-singer:

“I think I'll say it at the right time, because I don't want to say anything that…

“I just wanna make sure when the time is right.

“You will know when I'm sure to say [anything].”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN