Jake Vargas denies he has non-showbiz girlfriend

Jake Vargas says he has no time for new love. "Trabaho muna yung pinagkakaabalahan ko. Hintay-hintay lang at darating din ang tamang tao sa 'yo," he declares cheerfully.


Mali raw ang bali-balitang may non-showbiz girlfriend ang Kapuso teen actor na si Jake Vargas.

Single pa rin daw siya since nag-break sila ni Bea Binene, "Wala akong love life ngayon, matagal nang wala.”

Sabi pa niya, “Nagulat nga ako sa balita na may non-showbiz girlfriend ako.

“Wala naman talaga, siguro 'di pa time, ayaw ko naman madaliin.

“Hindi naman ibig sabihin na wala ka ngayon, kailangang maghanap ako.

"Naniniwala kasi ako na hintay-hintay lang at darating din ang tamang tao sa 'yo.

"E wala pang dumadating,” at humahalakhak ang aktor.

“Kaya heto, nag-aantay lang… trabaho muna yung pinagkakaabalahan ko.”

NEW SHOW. Happy naman daw si Jake dahil may bago siyang soap bukod sa regular show na Pepito Manaloto.

"Nagpapasalamat ako, lagpas isang taon yata akong nawalan ng soap.

"Buti nga may bago na akong soap, yung Oh Mama, may bagong trabaho ulit.”

Excited na nga raw siyang makatrabaho ang anak na babae nina Janice de Belen at John Estrada na si Inah De Belen.

"Excited po ako kasi first time ko siyang makakatrabaho.

“Hindi pa kami nagsisimulang mag-taping, pero nagkakasama na kami sa workshops ng Oh My Mama.”

During break nga sa workshop nila sa GMA compound nang makausap namin si Jake.

Lahad pa niya tungkol kay Inah, “Okey naman siya, mabait, maganda at magaling umarte.

“Mana sa parents niya na mahuhusay umarte.”

Willing naman daw si Jake na makatrabaho ang kanyang ex-girlfriend na si Bea.

Aniya, “Oo naman, okey sa akin na makatrabaho si Bea.

"Sa akin kasi past is past, matagal-tagal na rin naman since naghiwalay kami.

"Pareho naman kaming professional at mahal namin yung trabaho namin.

“Walang problema if may proyekto kaming pagsasamahan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN