Ai-Ai delas Alas jokes about Kris Aquino's rumored transfer to GMA-7: "Siguro nami-miss na niya ako."

IMAGE Noel Orsal

Ai-Ai delas Alas jokes about Kris Aquino's rumored transfer to Kapuso network: "Yun na nga, siguro nami-miss na niya 'ko. At hindi siya mabubuhay na wala ako, yun lang!"

 


Tumawa lang ang Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas nang kumustahin ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at hingan ng reaksiyon sa kumpirmadong paglipat na raw ni Kris Aquino sa Kapuso network.

Katulad ni Ai-Ai, orihinal na isang Kapuso rin si Kris, pero mas matagal na naging isang Kapamilya.

At katulad nga rin niya, heto’t balik-GMA-7 na raw ang tinaguriang "Queen of Talk."

Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na mula sa pagiging mag-bestfriend, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan at tampuhan ang dalawa.

Pinaniniwalaan din na kahit diumano’y nagkabatian na sila ay hindi na nabalik sa dati ang pagkakaibigan nila.

WHO'S MISSING WHO? Sa ginanap na 77th birthday celebration ni Mother Lily Monteverde kagabi sa 38 Valencia Events Place, nagbigay naman ng maikling komento o reaksiyon si Ai-Ai sa napipintong paglipat nga ni Kris.

Biniro namin si Ai-Ai na mukhang sinusundan din ni Kris ang yapak niya sa paglipat ng istasyon.

“Yun na nga, siguro nami-miss na niya ako!” natatawang sagot ni Ai-Ai.

Dagdag pa niya, “At hindi siya mabubuhay na wala ako, yun lang!”

Bago pa man magpahinga si Kris sa showbiz, kilala talaga ito bilang “matatag” na Kapamilya.

Kung ituring nga ito ay tila isa sa mga reyna ng istasyon.

Kaya tinanong namin si Ai-Ai kung nagulat ba siya sa naging desisyon nito ng paglipat.

Sabi naman niya, “Nababalitaan ko kaya hindi na ako nagulat.”

Natatawa na naman si Ai-Ai nang sabihin namin na puwede nga sigurong sabihin na na-miss siyang talaga ni Kris.

“Sobra!” tawa niya.

Na-miss niya rin ba si Kris?

“Ah, no comment!” natatawa pa ring sagot ni Ai-Ai.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN