IN PHOTOS. Mother Lily Monteverde donates P1-M to MOWELFUND on her 77th birthday celebration

IMAGE Noel Orsal

Imbes na siya ang regaluhan, ang Regal Matriarch na si Mother Lily Monteverde pa ang namigay ng regalong donasyon sa selebrasyon ng kanyang ika-77 kaarawan. Masuwerte ang Movie Workers Welfare Foundation, Inc. (MOWELFUND) dahil binigyan ito ni Mother Lily ng dated na tseke na nagkakahalaga ng isang milyong piso.


Naging matagumpay ang star-studded birthday celebration ng Regal Matriarch na si Mother Lily Monteverde kagabi, August 19.

Ginanap ang ika-77 kaarawang selebrasyon ng tagapamuno ng Regal Entertainment sa Valencia Events Place, Quezon City.

Umaapaw sa mga artista, kaibigan, at ilang pulitiko ang pagtitipon.

Halos iisa ang birthday wish ng lahat para sa beteranong film producer—ang humaba pa ang buhay nito upang makapag-produce pa ng maraming pelikula.

Marami naman ang kinilig sa halik na inalay ni Mother Lily sa asawang si Remy Monteverde.


May inihandang programa para kay Mother Lily ang mga nag-organisa ng pagtitipon kung saan naging host si Ai-Ai delas Alas.


Isa sa mga nag-alay ng awitin para kay Mother Lily ay si Janella Salvador. Ang punong abala sa handaan ay ang anak ni Mother na si Roselle Monteverde.


STAR-STUDDED GUESTS. Ilan sa mga namataan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa selebrasyon ay sina Eddie Gutierrez, Annabelle Rama, Direk Carlo J. Caparas at asawa nitong si Donna Villa.


Nasa pagtitipon din ang Queen of Philippine Movies na si Susan Roces kasama ang anak na si Senator Grace Poe, at si Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairman Toto Villareal.


Ilan sa mga maagang dumating sa event sina Enchong Dee, Billy Crawford, Sam Milby, Direk Joyce Bernal, Kiray, at Johan Wang.



Ang 2016 Regal Babies na sina Chanel Morales, Danielle Lee, David Licauco, at Jerico Ejercito kasama ang ama nitong si Former Laguna Governor ER Ejercito. Kasama nila sa table si Ken Anderson.


Dumalo rin si Lorna Tolentino, anak na si Rap Fernandez, Malou Choa-Fagar, Ali Sotto, Anjo Yllana, Albert Martinez, at Tirzo Cruz III kasama ang asawang si Lyn at ang anak na babae na si Djanin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Humabol din sa pagtitipon si Daiana Menezes at ang mag-asawang Kean Cipriano at Chynna Ortaleza.


Nagpakita din sa selebrasyon sina Derrick Monasterio, Martin del Rosario, Lance Raymundo, singer na si Laarni Lozada, at ilang direktor katulad nina Joey Reyes, Maryo J. delos Reyes, at Joel Lamangan.


Bumati rin kay Mother Lily ang ABS-CBN Channel Head na si Cory Vidanes at ang executives ng GMA na sina Joey Abacan, Redgie Magno, at Tracy Garcia.


Dumating din si Senator Dick Gordon na kilalang malapit kay Mother Lily.


P1M DONATION. Sa isang bahagi ng programa, nagbigay ng mga parangal kay Mother Lily ang tatlong grupo ng mga entertainment press—ang Philippine Movie Press Club (PMPC), Entertainment Press Society (ENPRESS), at ang Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED).

Dahil sa pagpapahalagang nararamdaman mula sa mga entertainment press, binigyan ni Mother Lily ng tig-P100 thousand pesos ang bawat grupo.


(PMPC Members)


(ENPRESS Members)


(SPEED Members)

Ikinabigla naman ni Boots Anson-Rodrigo ng Movie Workers Welfare Foundation, Inc. (MOWELFUND) ang sorpresang pag-donate ni Mother Lily ng isang milyong piso para sa kanyang pinamumunuang organisasyon.


Sabi pa ni Miss Boots, malayo ang mararating nito para sa halos limang libong miyembro ng MOWELFUND.

Samantala, ang wish naman nni Mother Lily sa kanyang birthday ay, "How I wish I could live for another 75 years more!"

Mula sa PEP.ph, happy, happy 77th birthday, Mother Lily Monteverde!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN