Wally Bayola on Paolo Ballesteros's return to Eat Bulaga: "Malapit na malapit na."

IMAGE Noel Orsal (Wally) Instagram (Paolo)

Wally Bayola confirms that Paolo Ballesteros will be returning to Eat Bulaga either at the end of August or next month.


Kinumpirma ni Wally Bayola na malapit nang bumalik si Paolo Ballesteros sa Eat Bulaga! matapos ang diumano'y six-month suspension ng TV host-actor na may kinalaman sa Facebook rant niya dahil sa isang event noong Marso.

Read: Paolo Ballesteros suspended from Eat Bulaga for six months?

Pero bago ang pagbabalik ni Paolo sa noontime show, una nang nagkasama ang JoWaPao (Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros) dahil sa pelikulang Enteng Kabisote 10, na pinagbibidahan ni Vic Sotto.

Sabi ni Wally, “Oo, ang maganda ngang ano namin, sinabi ko ngang nagkita-kita kaming tatlo, kasi nag-start na kami dun sa project na gagawin namin.

“Nagkita-kita kami, yakap-yakap kami.

“Isa lang nasabi ko, 'Divided we fall, united we stand.'”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Wally sa The PEP List Year 3 Awards Night na ginanap sa Grand Ballroom ng Crowne Plaza, nitong Linggo, August 21.

Pinangaralan si Wally ng gabing iyon bilang Male Comedy Star of the Year.

PAOLO TO RETURN SOON. Usisa ng PEP sa comedian-host, kailan ang petsa ng pagbabalik ni Paolo?

Ayon kay Wally, “Wala pa naman siyang sinasabi, pero malapit na malapit na.

“Pero September or last week of August, mga ganun.

“Kasi ang makakaalam lang po niyan, makakapagsabi lang niyan, makakapag-confirm, e, management lang po.”

Ngunit aminado si Wally na malaking kawalan si Paolo sa show.

Lalo na't pumatok sa mga manonood ang pagganap nina Wally, Paolo, at Jose bilang D'Explorer sisters na sina Lola Nidora, Lola Tidora, at Lola Tinidora sa "Kalyeserye" segment ng Eat Bulaga.

Sabi niya, “Bukod sa friendship naming tatlo, bukod sa nabuo naming rapport, magkakasama kami, nasanay kaming kasama [siya].

“Pag nagkakaisa kami, kung anu-ano ang katatawanang nagagawa namin.

“May lungkot pero di pwedeng mabali, so kailangan tuloy ang trabaho, tuloy pa rin ang show.”

Dati na ring dumaan sa malaking isyu si Wally nang masangkot sa isang controversial video, subalit nakabawi ang komedyante at sumikat dahil sa role niyang Lola Nidora.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang payo niya kay Paolo?

Saad ni Wally, “Ang talagang advice lang namin sa isa't isa, pray lang 'yan.

“Ang tawag niya sa 'kin, 'Girl, pray lang.'

“Ganun din sinabi ko sa kanya, 'Girl, pray lang. Pray lang talaga.

“'Kung anong advice mo sa akin nun, nakatulong nang malaki.

“'Heto rin, ibabalik ko sa 'yo. Talagang maganda ang advice mo sa akin.

“'Syempre, ikaw ang nagsabi sa akin ng dapat gawin. So, alam mo na.'”

Dagdag pa niya, “Be positive and be happy lang. Good vibes lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN