Glaiza de Castro grateful to Marian Rivera for her first acting award

IMAGE Noel Orsal

Glaiza de Castro on being named Teleserye Actress of the Year in The PEP List Year 3: "Isa rin 'to na paalala to be thankful sa mga tao na tumulong sa akin para marating ko kung anuman ang meron ako ngayon."


Kauna-unahang acting award pala ni Glaiza de Castro ang Teleserye Actress of the Year na napanalunan niya sa The PEP List Year 3, na ginanap sa Crowne Plaza Hotel, Ortigas City, kagabi, August 21.

Nanalo si Glaiza para sa kanyang pagganap sa GMA-7 primetime series na The Rich Man's Daughter.

Mas naging espesyal para sa aktres ang natanggap na parangal dahil ang nag-present ng kanyang award ay si Sunshine Dizon, ang orihinal na Pirena na siyang ginagampanan ni Glaiza ngayon sa remake ng Encantadia.

Pahayag ni Glaiza sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng awards night, “Sa totoo lang, na-emosyunal ako nung sinabing 'ang bagong Pirena.'

“Ang surreal lang din ng pakiramdam na yung original Pirena ang tumawag pa.

“Parang, Lord, grabeng blessing ito!

“Ang sarap sa pakiramdam, hindi mo ini-expect na mangyayari, kasi siyempre, ilang taon na ang nakaraan.

“Sabi ko nga kay Gabby Eigenmann, 'Medyo magka-level na tayo ng konti. Medyo lume-level na ako sa ‘yo ng konti.'

“Kasi last year, siya ang Teleserye Actor of the Year [for Dading].

“Natutuwa ako na nagbunga lahat ng yun, yung mga pag-aalinlangan.

“Mga hirap kung paano ko rin ginampanan ito.

“Isa rin ‘to na paalala to be thankful sa mga tao na tumulong sa akin para marating ko kung anuman ang meron ako ngayon.”

GRATEFUL TO MARIAN. Sa kanyang thank-you speech, isa sa pinasalamatan ni Glaiza ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Si Marian daw kasi ang dahilan kung bakit siya ang gumanap na Althea sa The Rich Man’s Daughter.

Lahad ng PEP List winner, “Naalala ko talaga na siya ang tumawag sa akin regarding this project, December yun, 2015.

“Sabi niya sa akin, ’May gagawin tayo, ihanda mo na ang sarili mo dahil medyo challenging ‘tong role na ‘to.’

“After ilang months, yun na nga ang The Rich Man’s Daughter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko nga, ano na kaya ang nangyari, pero eventually, natuloy naman.

“Siguro nga, dahil sa hindi inaasahang pangyayari, buti natuloy pa rin.

“At siyempre, hindi ko naman kakalimutan na malaking parte siya sa award na ito.”

Hindi natuloy si Marian sa naturang proyekto dahil sa maselan niyang pagbubuntis noon sa kanilang panganay na anak ni Dingdong Dantes, si Maria Letizia.

Si Rhian Ramos ang pumalit sa role na dapat kay Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN