Gretchen Barretto airs dissatisfaction over Sen. JV Ejercito's 90-day suspension

IMAGE Mark Atienza

Nanindigan si Gretchen Barretto sa kanyang post sa Instagram tungkol sa suspensiyon ni Senator JV Ejercito. Ipinaglalaban lang daw niya ang kanyang karapatan bilang taxpayer.


Mukhang hindi aprubado kay Gretchen Barretto na 90 araw lamang ang ipinataw na suspensiyon ng Sandiganbayan kay Senator JV Ejercito.

Nahaharap sa graft case si JV dahil sa maanomalyang pagbili diumano ng mga baril sa San Juan City noong mayor pa siya.

Sa kanyang post sa Instagram ngayong araw, August 23, sinabi ni Gretchen: “Breaking News: Sen. JV Ejercito suspended from office for 90 days for graft case. God help the Philippines.”

BREAKING NEWS : SEN. JV EJERCITO SUSPENDED FROM OFFICE FOR 90 days for GRAFT CASE. GOD HELP THE PHILIPPINES????????????

A photo posted by Gretchen Barretto (@gretchenbarretto) on

Sa comment section, marami ang pumuri kay Gretchen sa kanyang matapang na pagpuna sa naging desisyon ng anti-corruption court.

May isa namang nagtanong kung bakit siya nag-post ng ganun gayong magkaibigan sila ni Manila Mayor Joseph 'Erap' Estrada at Jackie Ejercito.

Si JV ay anak ni Erap kay San Juan Mayor Guia Gomez. Si Jackie naman ay half-sister ni JV.


Sagot ni Gretchen, taxpayer din siya at ipinaglalaban lang niya ang kanyang karapatan bilang Pilipino.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN