Edu Manzano says yes to releasing names of celebrity drug users

IMAGE Noel Orsal

Pabor ang aktor na si Edu Manzano sa pagsisiwalat ng mga pangalan ng celebrities na sangkot o gumagamit ng ilegal na droga. Pero aniya, "Unang-una sa lahat, ang request ko lang is, to make sure that these are valid, these names. Hindi puwede yung tsismis-tsismis lang, dapat may ebidensiya, it has been long been established, hindi lang puro lip service. Hard evidence ang pinakaimportante diyan."


Pabor ang veteran actor na si Edu Manzano sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa droga.

Kasama na rito ang paglalabas sa publiko ng mga pangalan ng mga taga-showbiz na nagdodroga.

Aniya, “Ako, okay lang, you reveal, reveal!

“Unang-una sa lahat, ang request ko lang is, to make sure that these are valid, these names.

“Hindi puwede yung tsismis-tsismis lang, dapat may ebidensiya, it has been long been established, hindi lang puro lip service.

“Hard evidence ang pinakaimportante diyan.

“Kasi alam mo naman itong industriya natin, napaka-maintriga.

“But, you know, ang laki din kasi ng epekto ng mga artista sa mga kabataan.

“So they have to be circumspect, maging maingat sa pagdi-divulge ng mga pangalan na supposedly or allegedly…”

Pabor din ba siya sa sinabi ni Robin Padilla na bago ibulgar ni Pangulong Duterte ang mga pangalan ay magkaroon muna ng dayalogo sa pagitan ng pangulo at ng mga artistang allegedly ay drug users or pushers?

Pahayag ni Edu, “Iyon ang opinyon ni Robin.

“Ako, para sa akin, hindi ako naniniwala na… dapat ngayon pa lang, sa mga networks pa lang, they should already be dialoguing with their stars.

“Ito ay isang hanapbuhay, ang paggawa ng telebisyon o pelikula, hindi laro.

“Marami kasing taong umaasa na trabaho, so kung ang network ay nagkaroon ng isang artista na maaaring nalulong sa droga at wala silang ginawa, they have only themselves to blame.

“Kasi sila ang makakapag-identify.”

Paano kung hindi alam ng network kung sino ang mga artista nilang sangkot sa droga?

“Imposible!” bulalas ni Edu.

O itanggi ng mga ito ang pagkalulong nila sa droga?

“Well, they should… maglagay na rin sila ng provisions sa kanilang mga kontrata, na dapat may drug testing.

“Na pag may suspicious activity or… tayo naman, malalaman mo kung may kalokohan itong batang ito, kung may ginagawang hindi tama.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN