Edu Manzano dismayed by bashers of Luis Manzano-Jessy Mendiola relationship

IMAGE Noel Orsal

Edu Manzano on meeting son Luis Manzano's rumored girlfriend Jessy Mendiola: "If it comes, it comes. It will happen, [like] with all of my children naman e."


Nitong naakaraang buwan, personal na nagkita at nagkakilala ang aktres na si Jessy Mendiola at ang ina ng rumored boyfriend nitong Luis Manzano na si Cong. Vilma Santos.

Kaya naman ang hinihintay ngayon ng fans ay kung kailan ipapakilala ni Luis si Jessy sa ma niyang si Edu Manzano.

Read: Vilma Santos meets son Luis Manzano's rumored new GF Jessy Mendiola

Noong Lunes, August 22, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Edu sa grand press conference ng bago nitong primetime series sa Kapuso network, ang Someone To Watch Over Me.

Dito ay tinanong siya kung ipinakilala na ba ni Luis si Jessy sa kanya.

Ayon kay Edu, matagal na niyang nakilala ang Kapamilya actress dahil family friend nito ang ina ni Jessy na si Didith Garvida.

“I met her years ago through her mother, pero hindi ko pa siya na-meet nung sila ni Luis.”

Ano ang kanyang first impression kay Jessy?

Sagot niya, “I think she's a very nice girl.

“I have not spent enough time with her for me to give you a better picture who Jessy Mendiola is.”

Buo naman ang suporta ni Edu sa kanyang anak kung sakaling magtuluy-tuloy na ang relasyon ng dalawa.

“As a father who loves his son very much, kung saan maligaya ang aking anak, andun ako.”

Hindi naman daw nito minamadali si Luis na ipakilala sa kanya si Jessy.

Saad ni Edu, “If it comes, it comes. It will happen, [like] with all of my children naman, e.

“Last night, I had dinner with my other son at yung kanyang girlfriend.

“So, ako naman, may buhay din sila, e, and I will never impose.”

THE BASHERS. Samantala, kinunan na rin ng PEP ng pahayag si Edu tungkol sa pamba-bash na natatanggap nina Jessy at Luis nang lumabas ang balitang nagde-date ang mga ito, ilang buwan matapos mag-break ang TV host-actor at dating girlfriend nitong si Angel Locsin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas lalong tumindi ang intriga sa relasyong Jessy-Luis nang magbigay ng komento si Angel tungkol dito.

Read: Angel Locsin on Luis-Jessy romance: 'Kung ine-enjoy nila yung moment na yun, e, di good job!'

Saad ni Edu, “Alam mo, it's defeating the purpose, yung Internet.

“Yung Internet was created to form associations, to form friendships.

“Now, it's breeding a culture of hate.

“I think we're losing the very essence kung bakit may Internet.

“Pag makita mo yung bashing, not just one ngayon but even during the elections, parang napakalalim nung galit, yung anger, yung passion.

“Napakainit ng dugo nung ibang mga troll diyan at nung mga nagba-bash when they don't even know who they're bashing.

“Para lang makapag-bash, yung iba nagba-bash lang.”

Paalala pa ng aktor, “Sana we should take a step back and try to remember kung bakit nagkaroon ng Internet.

“It was supposed to foster friendships with people from all over the world kasi wala nang boundaries, e.

“Ang mundo ay naging flat, but now kung titingnan mo, it's breeding a culture of hate.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN