Judy Ann Santos on Sharon Cuneta's weight loss: "Isang malaking sampal 'yan sa mga bashers niya!"

IMAGE Nerisa Almo (Judy Ann)/Facebook photo of Sharon Cuneta (inset)

Judy Ann Santos on Sharon Cuneta's weight loss: "Isang malaking sampal 'yan sa mga bashers niya na kung lait-laitin siya before ay ganun-ganun na lang."


“Super! Ang galing-galing niya!”

Ito ang naging reaksiyon ni Judy Ann Santos sa malaking ipinayat ng kanyang kaibigan at itinuturing na ate sa showbiz na si Sharon Cuneta.

“Proud na proud talaga ako kay Ate, grabe!” sabi pa ng actress-TV host nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa launch ng Mommy Welfare campaign ng Absolute Drinking Water, ngayong Martes, August 23.

Dahil sa magandang kinalabasan ng weight-loss journey ni Sharon, masasabi raw na nakabawi ang Megastar sa kanyang bashers.

Sabi ni Judy Ann, “Isang malaking sampal 'yan sa mga bashers niya na kung lait-laitin siya before ay ganun-ganun na lang.

“You know, 'yan yung sinasabi ko na never-ever judge someone kasi hindi mo alam ang kapasidad ng taong yun.

“At the same time, hindi mo alam ang pinagdadaanan ng bawat isa sa atin, di ba?

“So, huwag kang magsasalita ng masasakit na bagay sa isang tao kasi lahat naman tayo ay may pinagdadaanan.”

Dagdag pa niya, “Ako, I'm very happy for ate.

“Ano siya, kumbaga, waging-wagi.

“Waging-waging-wagi talaga siya, grabe!

“Ang ganda-ganda-ganda-ganda niya talaga!”

Napag-uusapan ba nina Judy Ann at Sharon ang tungkol sa pagpapayat?

Sagot ni Judy Ann, “Kapag nag-uusap kami, napag-uusapan naman namin yun, e.

“Pero hindi namin masyadong ine-expound ang usapan.

“Hangga't maaari, kapag magkasama kami, we just talk about life.

“We just talk about, you know, things na puwede naming pagtawanan.

“Pero may mga bagay na, let's say losing weight, kapag medyo nagiging sensitive na yung part na yun, we just stop talking about it.

“You know, when we're together, we just wanna talk something about our children or kung ano yung masarap kainin.

“You know, you want things to be light, very memorable.”

Diin pa niya, “I'm so happy for Ate kasi vindicated siya ngayon.

“Promise, talagang, 'Kita niyo na?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun lang, e, sabi kasi wait, di ba? Wait lang, wala namang taxi na waiting, e. Huwag nagmamadali.”

Matatandaang nangako si Sharon sa kanyang fans at followers na ipapakita niya ang kanyang “bagong figure” sa finals night ng The Voice Kids Season 3 ngayong weekend.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN