Albie Casiño hints at his blooming love life: "Non-showbiz siya... half-American."

IMAGE Mark Atienza

Albie Casiño on being friends again with Andi Eigenmann: "It's like a huge weight has been lifted off my shoulders, yun na lang. Unlike before, di ba, yung issues na lang lagi kay Andi and all that, parang laging sobrang bigat ng mundo ko. Parang laging may stigma na masama akong tao. Pero now, people see na hindi naman, di ba?"


Wala man direktang pag-amin si Albie Casio, ngunit may pahiwatig siyang maganda ang takbo ng kanyang love life ngayon.

Nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa The PEP List Year 3 Awards Night, na ginanap sa Crowne Plaza Manila Grand Ballroom, nitong Linggo, August 21, ay nagbigay siya ng kaunting detalye sa aspetong ito.

“Basta, I'm in a good place right now – personally and in my career.

“She's not from here, yeah, non-showbiz siya.

“She's from the States, half-American... yun lang.

“Other details, secret muna.”

Ano ang sinasabi ng non-showbiz girl kapag nababanggit pa rin ang pangalan ni Albie sa mga panayam o artikulo tungkol sa dati niyang girlfriend na si Andi Eigenmann?

Ayon sa Kapamilya actor, “She doesn't know anything talaga.

“Yun lang, I like it that way.

“Parang for me kasi, work is very different.

“Parang hindi ako artista sa daily na buhay ko, parang I just work, I just have taping, I'm on TV.

“But when I'm with my friends and family, di ako artista.”

Aware ba ang kanyang special someone na isa siyang artista?

Sagot ng 23-year-old actor, “Dati hindi niya alam, pero ngayon alam na niya.

“Hindi namin pinag-uusapan.

“Siguro naman she respects my work or my career.”

FROM ENEMIES TO FRIENDS. Masaya raw si Albie sa kanyang buhay ngayon dahil tahimik na ito, kumpara noong panahong puro na lang isyu kay Andi ang napag-uusapan tungkol sa kanya.

Lalo na nga't magkaibigan na raw silang dalawa ngayon.

Matatandaang naging kontrobersiyal ang pagtanggi ni Albie na siya ang ama ng ipinagbubuntis ni Andi noon.

Saad niya, “It's like a huge weight has been lifted off my shoulders, yun na lang.

“Unlike before, di ba, yung issues na lang lagi kay Andi and all that, parang laging sobrang bigat ng mundo ko.

“Parang laging may stigma na masama akong tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero now, people see na hindi naman, di ba?”

Minsan na raw silang nagkasalubong at nagkausap ni Andi in a neutral ground.

“Yeah, then I congratulated her for her mom's winning the Cannes Best Actress.

“Parang kakauwi pa lang niya nun, and she went out and wanted to celebrate.

“So, yun… I asked her when she went back, stuff like that.”

Ang ina ni Andi ay ang veteran actress na si Jaclyn Jose, na nanalo sa Cannes bilang Best Actress para sa kanyang pagganap sa Ma' Rosa.

NO MORE BAD VIBES. Sabi pa ni Albie, wala na yung bad vibes sa pagitan nilang dalawa ni Andi.

“Wala na akong paki sa ganyan. I don't like negative energy.

“Ako pa, I don't like to talk, I don't enjoy interviews, especially noon.

“Ayokong magpa-interview kasi alam ko naman yung itatanong sa akin.

“But I don't have anything against reporters, ha. Don't get me wrong.”

Paliwanag pa niya, “Di ba, sa society natin, kapag ano, ang laging tama kaagad ay ang babae?

“Yung sympathy ng mga tao ay sa babae.

“So, di ba, kung nagsalita lang ako, kawawa ako.

“Kaya nga it's better to keep your mouth shut, for me.

“Kung lalaki ang kaaway ko, di magmurahan tayo.

“Pero pag babae kasi...”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN