Rufa Mae Quinto confirms pregnancy in Instagram post

IMAGE @rufamaequinto on Instagram

Hindi man direktang sinabi ni Rufa Mae Quinto, ngunit mahihinuha sa kanyang Instagram post na  nagdadalantao na siya. Ito na raw ang panibagong yugto sa kanyang pagkababae at pagiging ilaw ng tahanan.


Hanggang ngayon ay hindi pa rin tuwirang kinukumpirma ni Rufa Mae Quinto ang kanyang pagbubuntis.

Ito ay sa kabila ng naiulat na sa isang news program na tatlong buwan na ang kanyang dinadala.

Ngunit sa pinakahuling post ni Rufa Mae sa Instagram, sinabi ng comedienne na pinaghahandaan na niya ang ‘panibagong yugto ng kanyang pagiging babae.’

Mensahe niya kahapon, August 23: “Salamat po Mga friends Sa pag support Sa next chapter Ng pag kababae Ko, Sa pagiging pamilyadong buhay Ko, excited Ako Kahit nag gain Ako ng weight.

“Ok Lang at least panahon Na para kalimutan Ko muna sarili Ko at ang haharapin Ko ay buhay ilaw Na Ng tahanan. (natupad Na Ang very very light and bright Na dream Ko)

“Ang dasal Ko Sana bigyan Ako ng lakas , body mind and soul Ng patuloy Na ligaya forever more. Ganern! Pak Lang Ng pak. #timefirst time is ticking and tickling #november25,2016.”

Unang napabalita ang pagdadalantao ni Rufa Mae dahil sa Instagram post ni Grace Lee noong August 2, kung saan inilarawan niya ang comedienne bilang ‘glowing pregnant lady.’

Ngunit kalaunan, binura ni Grace ang ‘pregnant’ sa kanyang caption at ‘glowing lady’ na lang ang natira.

Nothing better on this rainy afternoon than pigging out with this glowing lady @rufamaequinto ??? 3 cups of rice for us two ????????????

A photo posted by Eating, Loving And Praying (@graceleemanila) on

Pero sa ulat ni Mario Dumaual sa TV Patrol ng ABS-CBN noong August 17, sinabi nitong tatlong buwan na ang ipinagbubuntis ni Rufa Mae sa panganay nila ng fiance na si Trev Magallanes.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN