Olympic medalist Hidilyn Diaz opens up about her heartbreak

IMAGE Jaime Campos / SPIN.ph

After her silver-medal win at Rio Olympics, Filipino weightlifter Hidilyn Diaz is now targetting Tokyo Olympics in 2020.


Nag-open up ang Olympic medalist na si Hidilyn Diaz tungkol sa kanyang love life sa interview niya sa isang episode ng Tonight With Boy Abunda.

Nasungkit ni Hidilyn ang silver medal para sa weightlifting sa katatapos lang na Rio Olympics.

Pahayag ng female athlete tungkol sa kanyang buhay pag-ibig, “Ngayon kasi, single ako

“Nasawi na ako, ayokong… naging choosy ako, namimili ako ng tao, kung sino ang mamahalin.”

Paano siya naka-move on sa isang ganapan na ito sa kanyang buhay?

Sabi ni Hidilyn, “Kapag masaya ka na.

“Kapag may makita kang lovers, hindi ka na bitter.

“Hindi ka na... hindi mo sinasabi na, ‘Ano ba 'yan sila? Napaka-showy, pero napaka-cheesy, nakakainis.’”

HIDILYN’S POPULARITY. Pagkatapos nito ay tinanong ni Boy Abunda si Hidilyn tungkol sa kanyang kasikatan.

Paano ba niya niyayakap ang katanyagang ito? Ang mga iba’t ibang papuri sa kanya kasabay ang maraming pabuya sa kanya?

Kung matatandaan, bukod sa P5 million na tinanggap niya mula sa gobyerno ng Pilipinas, balitang dadagdagan ito ng P2 million ni President Rodrigo Duterte.

Huwag nang banggitin pa ang house and lot na bahagi ng kanyang premyo.

Saad ni Hidilyn, “Siguro po, parati kong sinasabi sa akin na, itong materyal na bagay, hindi madadala sa…

“Sabi ko naman, si God ang nagla-last.

“Then, sinasabi ko na kailangan kong maging humble.

“Itong money na ito, hindi nito nagdi-discard as a means, so...”

Dahil nabanggit niya ang Diyos, inalam ni Boy kung kumusta ang relasyon niya rito?

Saad naman niya, “Every morning, nagpi-pray ako.

“Tapos, kung walang ginagawa, nagpi-pray ako.

“Siguro, ito yung journey ko with God simula nung 2013.

“May mga ups and downs, tapos si God ang naging best friend ko ng mga time na kailangang-kailangan ko siya.”

TURNING POINT. Ayon kay Hidilyn, turning point ang taong 2014 para sa kanyang career bilang isang weightlifter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang kuwento dito?

Ayon sa 25-year-old Olympic medalist, “Nung 2014 kasi, nagka-injury ako sa tuhod.

“So, alam niyo naman po na pag may injury ang isang atleta, yun na ang parang katapusan namin.

“Na-depressed, nahirapan magbuhat, kasi kung mag-stop ka sa pagbuhat, parang nawawalan kami ng meaning sa buhay.”

Ano naman ang kanyang mensahe sa mga batang nais sundan ang kanyang yapak?

Sabi ni Hidilyn, “Dream high!

“Kasi dun tayo nagkakaroon ng drive sa buhay, and to continue life.

“And kung nandiyan na, along the way, may mga trials kasi, e.

“Never give up!”

Ano ang plano niya ngayon pagkatapos ng kanyang silver-medal win?

“Gusto kong ipagpatuloy ang Tokyo 2020. At pagsabayin ang pag-aaral ko.”

Sa Tokyo, Japan magaganap ang ang susunod na Olympics.

Nabanggiti din ni Hidilyn na bukod sa weightlifting, mahilig din siya sa mountain-biking.

At kung hindi siya atleta, isa raw siyang nanay ngayon sa kanyang anak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN