Marian Rivera reacts to Kris Aquino's rumored transfer to GMA Network

IMAGE Noel Orsal

Marian Rivera on possibility of being the bridge for Kris Aquino-Ai-Ai delas Alas reconciliation: "Why not? Kaya lang, may mga bagay na mahirap panghimasukan, lalo na kung hindi mo alam kung ano ang pinagmulan."


Welcome na welcome daw sa Kapuso Primetime Queen na Marian Rivera kung sakaling totoo nga ang maugong na balitang lilipat sa GMA Network ang Queen of All Media na si Kris Aquino.

Pahayag niya, “Oo naman, ninang namin siya at hindi naman lingid sa lahat na napakabait naman niya.

“Nakita niyo naman, nag-guest nga siya sa Yan Ang Morning nang walang pasabi.

“Basta umuwi siya, mag-guest ako.”

Si Kris ay isa sa mga ninang sa kasal nina Marian at Dingdong Dantes noong December 30, 2014.

Malapit din si Marian kay Ai-Ai delas Alas, na nakahidwaan ni Kris noong pareho pa silang nasa bakuran ng ABS-CBN.

Hindi kaya maipit siya sa dalawa?

Ayon kay Marian, “Hindi naman, bakit naman?

“Sabi ko nga, basta mabait sa akin ang tao, bakit kailangang idamay ang isang tao, di ba?”

Dagdag pa niya, “Mabait sa akin ang Ninang Kris ko and, at the same time, magkaibigan din kaming matalik ni kambal, ni Ai-Ai.

“So, walang nahahati para sa akin.”

Hindi kaya siya ang maging tulay para tuluyang magkaayos na sina Kris at Ai-Ai?

Tugon ni Marian, “Why not? Kaya lang, may mga bagay na mahirap panghimasukan, lalo na kung hindi mo alam kung ano ang pinagmulan.”

Kung sakaling magkaharap sina Kris at Ai-Ai at nandoon siya, paano niya iha-handle?

“Ay, mahirap, mahirap, e… siguro kung kaya mong gawin na mas magaan ang pakiramdam ng bawat isa at mas malapit, mas maayos, why not?

“Pero para palalain pa, huwag naman.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian sa presscon para sa first anniversary ng Sunday PinaSaya, na ginanap sa Le Reve Events Place, Sgt. Esguerra, Quezon City, nitong Miyerkules ng gabi, August 24.

Ayon pa kay Marian, hindi na siya nagugulat tuwing may artistang lumilipat ng network, kagaya nga ni Kris.

“Hindi naman na nakakagulat ngayon ang mga artistang lumilipat o papalit-palit, kung saan-saan pumupunta ang mga artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero hindi pa naman yata confirmed,” sabi niya.

Lumalabas na pareho na sila ng manager dahil balitang pumirma na rin ng management contract si Kris sa Triple A ni Mr. Tony Tuviera.

Reaksiyon ni Marian, “Sinabi na ba nila? Hintayin nating sila ang magsabi.

“Alangan naman ako, hindi naman ako ang manager. Hayaan mo nang sila ang magsabi.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN