Ruru Madrid shrugs off comments that Alden Richards will boost Encantadia ratings

IMAGE Noel Orsal

Ruru Madrid on Encantadia ratings: "Nakikita naman po namin na pataas po yung ratings, hindi po siya yung tipong mataas and then lumalaylay, bumababa. Siya, hindi, as in consistent siya na tumataas, kaya iyon po yung good thing. Kasi, kumbaga sa Mega Manila, panalo na po, e. Sa National na lang po talaga yung medyo mahirap."


Nagbigay ng pahayag si Ruru Madrid tungkol sa pagpasok ni Alden Richards sa kanilang primetime series na Encantadia.

Ginagampanan ni Ruru sa nasabing fantaserye ang papel bilang Ybarro, habang si Alden ay magkakaroon ng special appearance bilang si Lakan na isang Mulawin (taong ibon).

Saad niya, “Well, si Alden, kaibigan ko po si Alden, so masaya po ako na makakasama ko rin po siya dito.

“And I know, nabasa ko po sa isang interview niya, na sobra siyang nae-excite dahil nga po, iyon nga, sinabi niya na nung time daw na kasama pa niya yung mom niya, sabay nilang pinapanood ito.

“So, medyo nakaka-touch din and sabi ko, iyon nga, matutupad din yung ano niya.

“Kasi alam ko, ever since, gustung-gusto talaga ni Alden maging Mulawin.

“So, parang iyon, ito na yung opportunity niya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ruru sa presscon para sa first anniversary ng Sunday PinaSaya, na ginanap nitong Miyerkules, August 24, sa Le Reve Events Place.

RATINGS GAME. Ano naman ang masasabi ni Ruru sa opinyon ng iba na kaya raw ipapasok si Alden sa Encantadia ay upang mapataas ang ratings ng kanilang teleserye?

Tugon ng 18-year-old actor, “Well, sa akin naman po, hindi po natin mapipigilan yung mga nagsasabi ng ganun dahil siyempre sarili po nilang opinyon yun.

“Pero I don’t think naman po na kaya po nila ginagawa ‘to is because of the ratings.

“Well, alam po natin na Alden is so famous and then parang sobrang daming followers na at tipong susundan siya kahit saan siya magpunta.

“Well, kung sakali man po mangyayari yung sinasabi po nila, why not?

“Kumbaga, masaya po kami dahil alam naman po namin na makakatulong rin po talaga si Alden sa amin. Ganun.”

Ano ang masasabi niya sa mga nagsasabing hindi ganun kataas ang ratings ng Encantadia 2016, kumpara sa original version nito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Ruru, “Well, Encantadia kasi is just starting, and nakikita naman po namin na pataas po yung ratings, hindi po siya yung tipong mataas and then lumalaylay, bumababa.

“Siya, hindi, as in consistent siya na tumataas, kaya iyon po yung good thing.

“Kasi, kumbaga sa Mega Manila, panalo na po, e. Sa National na lang po talaga yung medyo mahirap.

“Kasi nga po, siguro masasabi ko rin na may followers na rin po kasi yung katapat namin dahil nauna rin po sila sa amin.

“So, kami, ginagawa rin naman po namin lahat ng best namin.”

Ang katapat ng Encantadia ay ang FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Patuloy ni Ruru, “Like ako, sobrang minahal ko ‘tong Encantadia dahil sabi ni Direk Mark [Reyes], iyon daw yung secret recipe para po maging successful itong show na ‘to.

“Kaya po all-out kami, ginagawa po namin yung best namin, dedication, pagmamahal, lahat… basta iaalay po naming lahat sa Encantadia.”

Hindi raw nasasaktan si Ruru kapag may nagsasabing mababa ang ratings nila.

“Hindi naman po, hindi naman.

“Kasi kumbaga, iniisip ko na lang na baka… at least pinag-uusapan nila yung Encantadia, di ba?

“Sabi nga nila, good or bad publicity is still publicity, di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN