Sam Milby recalls past relationship with Anne Curtis: "It was hard breakup para sa akin."

IMAGE Noel Orsal

Sam Milby prefers to keep his relationship with Mari Jasmine private: "Siyempre puwede naming sabihin na kami na, kasi lumalabas kami na palaging magkasama. Pero pagdating sa mga detalye, amin na lang yun."


Nagbalik-tanaw si Sam Milby sa naging relasyon nila noon ng ex-girlfriend na si Anne Curtis.

Inamin ng Fil-Am actor-singer na matagal siyang nakapag-move nang mag-break sila noong 2008 pagkatapos ng four-year relationship.

“Ayoko nang sabihin kung gaano katagal, pero matagal akong nag-move on. It was a long time.

“And yung breakup na yun, nahirapan ako. It was hard breakup para sa akin.

“I dated nung time na yun, yung six years na yun.”

Umasa rin daw si Sam na magkakabalikan sila.

“Dati, nung kabi-break pa lang namin, siyempre umasa ako na magkakabalikan kami.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sam sa taping ng ABS-CBN afternoon soap na Doble Kara noong nakaraang linggo.

SAM'S NEW LOVE. Kung si Anne ay matagal nang nakapag-move on at nagka-boyfriend, ngayon ay nakahanap na rin ng bagong pag-ibig si Sam sa katauhan ng British-Japanese blogger/model na si Mari Jasmine.

Masaya raw si Sam sa relasyon nila ng bagong girlfriend.

Sabi niya, “I’m very happy, yes. Haping-happy ako.

“Pero tulad ng sinasabi ko sa kanila, pagdating sa detalye ng relasyon namin, we don’t really wanna share.

“Pati siya, she’s a very private person, and she’s the one who told me na ayaw niya na maging masyado public yung relationship namin.

“Siyempre puwede naming sabihin na kami na, kasi lumalabas kami na palaging magkasama.

“Pero pagdating sa mga detalye, amin na lang yun.”

Dahil ba naging sobrang publicized ang relasyon nila noon ni Anne, kaya mas gusto niyang gawing pribado ang relasyon nila ng kasalukuyang girlfriend?

Sagot ni Sam, “Yes and no.

“It was more dahil si Marie, she’s the one who wants to keep the relationship private.

“Pero ako din, dahil sa last relationship ko, naging masyadong publicized.

“Everything about the relationship is masyadong public and when it’s masyadong public, parang ang mga fans, ang mga tao, feeling nila may puwede na silang sabihin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I feel it better na mas private and it helps naman na di siya showbiz.”

SETTLING DOWN. Nagsipag-asawa na ang ilang malalapit na kaibigan ni Sam, katulad ni John Prats, kaya marami ang nagtatanong kung si Mari Jasmine na ang babaeng pakakasalan niya.

“Sana, sana,” sambit ng Kapamilya actor-singer.

“Hindi naman ako papasok sa isang relationship na wala akong nakikitang future. Sana, but it’s still too early.

“Sinabi ko dati na gusto ko sana 35, we never know.

“Kung magwu-work out, sana mag-work out, 35, 36 sana... kasi two-three years from now.”

Katatapos lang ni Sam ng pelikulang Camp Sawi at ngayon ay naglalagari siya sa taping ng Doble Kara at shooting ng The Third Party.

Hindi kaya maging isyu sa kanila ni Mari Jasmine ang kakulangan ng oras, na kadalasang nagiging problema kapag may artista sa isang relasyon?

Ayon kay Sam, “Yun ang mahirap ngayon kasi walang masyadong time. Shooting and taping every day.

“Siya, actually, mag-a-out of the country din siya next month, so she’ll be gone for a while.

“Naiintindihan naman niya na ganito ang trabaho ko.”

Inamin din ni Sam na sa kanilang dalawa ni Mari Jasmine ay siya ang mas seloso.

“Siyempre ganun talaga pag in love, natatakot kang mawala yung tao na yun sa iyo.

“It’s a natural reaction, natural feeling.

“Siyempre ayokong mawala siya sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN