Gretchen Barretto posts cryptic message about backstabbing

IMAGE Noel Orsal

Tila nanumbalik sa puso ni Gretchen Barretto ang sakit na kanyang nararamdaman dahil sa gusot nila ng kanilang pamilya pagkatapos makita ang isang larawan sa Instagram. Sabi pa niya, nakaka-relate siya sa larawan kung saan tadtad ng saksak ang isang tao sa kanyang likuran.


Hanggang ngayon ay hindi pa rin pala natatahimik ang kalooban ni Gretchen Barretto sa gusot nila ng kanyang mga magulang at kapatid.

Ito ang inamin ng aktres sa kanyang Instagram post ngayong Huwebes, August 25.

Isang caricature ng lalaking tadtad ng saksak sa likod ang ni-repost ni Gretchen mula sa mga kaibigang sina Sylvia Sanchez at Lorna Tolentino.

Nakasaad sa description sa picture: “When you have a good heart, you help too much, you trust too much, you give too much, you love too much, this is what happen in the end.”

Sa caption, sabi ni Gretchen: “I came across this post. Repost @lornatolentinofernandez @sylviasanchez This is so TRUE and I realized That i am still in the process of healing from this.”

“I CAN RELATE.” Sa comment section, may ilang followers si Gretchen na nagsasabing naka-relate sila sa kanyang post.

Sabi pa ng isa, mismong mga kapatid at magulang pa niya ang tumaga sa kanya sa likod kaya labis daw siyang nasaktan.


Nakiayon naman si Gretchen dito:


Ang kaibigan ni Gretchen na si RS Francisco ay nagsabi namang nasa likod lang niya ang kanyang mga kaibigang nagmamahal sa kanya.


Ilang taon na ang malalim na hidwaan sa pagitan ni Gretchen at ng kanyang mga magulang na sina Miguel at Inday Barretto, pati na sa kanyang mga kapatid na sina Claudine at Marjorie Barretto.

Dumating pa nga sa punto na tila itinakwil na ng kanyang mga magulang si Gretchen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN