PEP SCOOP. Manny Pangilinan appoints Chot Reyes as TV5 officer in charge

IMAGE Jerome Ascano / SPIN.ph

Magreretiro na sa Spetember 30, 2016 ang kasalukuyang presidente ng TV5 na si Emmanuel Lorenzana. Papalitan siya ng dating PBA coach na si Chot Reyes bilang TV5 officer in charge.


Hanggang Spetember 30, 2016 na lamang si Emmanuel ‘Noel’ Lorenzana bilang presidente at chief executive officer (CEO) ng Mediaquest Holdings, Inc. at TV5 Network, Inc.

Base sa impormasyong nakarating sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) galing sa isang TV5 insider kagabi, August 25, ang retired Philippine Basketball Association (PBA) coach na si Vicente ‘Chot’ Reyes ang pansamantalang mamumuno ng Kapatid network.

Si Chot ang kasalukuyang pinuno ng Media5 Marketing Corporation, ang marketing arm ng istasyon.

Ayon sa memo na ibinahagi sa lahat ng mga empleyado ng TV5, sinabi ng may-ari ng istasyon na si Manny V. Pangilinan na, simula sa October 1, si Chot na ang magiging officer in charge (OIC) ng istasyon.

“This is to announce the retirement of Emmanuel C. Lorenzana as President and Chief Executive Officer of Mediaquest Holdings, Inc. and TV5 Network, Inc. with effect 30th September 2016.

“In light of this development, we are appointing Vicente P. Reyes as Officer-In-Charge of TV5 Network, Inc. effective 1st October 2016.

“In this capacity, Chot will concurrently hold the position of President of Media5 Marketing Corp.”

Ngunit may pumalag diumanong mga empleyado ng istasyon dahil hindi naman daw TV insider si Chot upang magpatakbo ng isang network.

May mga nagsasabi namang baka mag-focus na sa sports ang programming ng TV5.

Mananatiling bukas ang PEP sa anumang magiging pahayag ng TV5 tungkol dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN