Find out Rhian Ramos's epic reply to a basher who called her 'pasosyal'

IMAGE Noel Orsal

A basher accused Rhian Ramos of being "pa-sossy" for writing in English in her Instagram post. Find out Rhian's epic reply to the insult thrown at her.


Sinagot ni Rhian Ramos ang isang basher matapos siyang akusahan nitong "pa-sossy" o pasosyal dahil English ang lengguwaheng ginamit ng aktres sa kanyang Instagram post.

Noong nakaraang linggo ay nag-post ang Kapuso actress sa Instagram ng larawan ng kanyang ina na gumagawa ng juice.

Paglalarawan pa ni Rhian, nakasuot ng “maxi dress” ang ina niya.

Nag-comment naman ang isang netizen (@mia_inengland23) at sinabing pasosyal si Rhian dahil sa pag-i-English nito.

Pinuna rin ng netizen ang paggamit ng aktres ng “maxi dress” upang ilarawan ang suot ng ina, sa halip na “bestida.'”

Base ito sa mga komento ng mga nagtanggol kay Rhian dahil burado na ang komento ng basher at deactivated na rin ang account nito.

Buwelta naman ng supporters ni Rhian sa basher, hindi basehan ang pagsasalita ng English upang sabihan ang isang tao na pasosyal.




RHIAN REACTS. Nag-react naman si Rhian sa tinuran ng basher.

Kung pagbabasehan ang mga sagot ni Rhian at ng netizens, sa England naninirahan ang basher.

Sinagot ni Rhian ang basher na huwag magyabang kung nasa England ito, na home country din ng Kapuso actress dahil British ang kanyang ama.

“Since you’re already stalking me, would you mind not bragging about being in my country?”

Buwelta pa ni Rhian, ang pagyayabang ng basher ang nagmumukhang pasosyal.

“I mean i know you’re proud that you made it to England and all, but seriously, it comes off as ‘pa-sossy’.. I mean, let’s be a little more proud about the Philippines.

“Lalo na if someone had to marry you to get your ticket, passport or residence there. We, UK nationals kasi, dont really think it’s anything special, so I’m just concerned that people think you’re desperately clinging to it.”


Sa sumunod pang buwelta ni Rhian, sinabihan niya ang basher na sana ay naipaalam nito sa kanyang pupunta siya sa England upang maituro niya kung saan magandang pumunta at mabisita pa ang pamilya ng aktres doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN