James Reid says sister Lauren too tough for bashers to put down

IMAGE Noel Orsal

"It's gonna take a lot more than bashers to get her down," says James Reid about his sister Lauren and how she's dealing with bashers.


Kampante si James Reid na kayang harapin ng nakatatandang kapatid niya na si Lauren Reid ang bashers.

Kamakailan kasi ay isang netizen ang nagbahagi ng opinyon tungkol kay Lauren.

Naging “mean” umano ito sa ilang JaDine fans sa concert sa Canada ng reel-to-real love team nina James at Nadine Lustre.

Sinabi pa ng isang netizen, na may username na “shalites0504”, na naging “maldita” si Lauren sa nasabing concert tour.

Pahayag naman ni James, “She already knows how it is to deal with bashers.”

Sabi pa niya sa ginanap na press launch ng bago niyang endorsement na Fuji Film kahapon, August 26, “She's handling it very well.”

Diin pa ni James, “She's tough, it's gonna take a lot more than bashers to get her down.”

WELCOME TO THE FAMILY. Samantala, nag-trending naman ang pagsama nina James at Lauren sa intimate celebration ng birthday ng nanay ni Nadine kamakailan.

Read: James Reid, sister Lauren attend birthday celebration of Nadine Lustre's mom

Sabi ni James tungkol dito, “Lauren just wanted to tag along.

“That was the first time she met them, but it was all fun... a very intimate family dinner.”

Kumusta naman ang pagtanggap ng pamilya ng kanyang girlfriend sa kanyang kapatid?

Nakangiting sabi ni James, “They love Lauren, she's very friendly.”

Thank you for celebrating my birthday with us Daddy Celso, Tita Ellen, James and Lauren.

A photo posted by Myraquel Lustre (@myplustre) on

Ayon pa kay James, maluwag siyang tinanggap ng pamilya ni Nadine, katulad ng pagtanggap ng kanyang pamilya sa girlfriend niya.

Aniya, “Yes, my dad loves her, my whole family loves her, and she gets along with my brothers and sisters.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN