Katrina Halili saddened by friend Sunshine Dizon's breakup: "Nagulat po ako."

Katrina Halili believes her friend Sunshine Dizon will eventually get over her ongoing personal crisis: "Ang tapang-tapang ni Ate Shine. Kaya niya 'yan. Masaya ako na busy siya, kaya hindi niya masyadong maano yung mga problema niya, di ba?"


Ikinalungkot ni Katrina Halili ang nangyari sa kaibigan niyang si Sunshine Dizon, na nauwi sa hiwalayan ang relasyon nito sa asawang si Timothy Tan.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Katrina sa taping ng Sa Piling ni Nanay kamakailan.

Kuwento niya, “Nagulat po ako at nabigla po ako, kasi isa yun sa tinitingnan kong couples, e.

“Bukod kay Angelu [Angelu de Leon], Ate Anj, si Ate Shine talaga kasi, pag nakikita ko sila, sabi ko,

‘Ay, ang perfect naman nila!’

“Nalungkot ako, nagulat ako and ano… actually, nagkita kami ni Ate Shine sa birthday ng family friend namin.

“Ayun, at least, kahit paano, okay-okay na si Ate.

“Medyo matagal na rin po pala yata yun, e.

“Kaya niya yun!

“Kasi lahat naman tayo bibigyan tayo ng problema ni Lord, pero malalampasan natin lahat yan.

“Ang tapang-tapang ni Ate Shine. Kaya niya 'yan.

“Masaya ako na busy siya, kaya hindi niya masyadong maano yung mga problema niya, di ba?

“Unlike kung wala kang ginagawa, nakatulala ka lang sa bahay, mai-stress ka.

“At least, ayun, busy siya, imbes na isipin niya yung problema niya, isipin niya ang sarili niya, ang mga anak niya.”

ALL IN GOD'S TIME. Dahil ba sa nangyari kay Sunshine ay lalong nawalan si Katrina ng gana na makipagrelasyon sa mga lalaki?

“Hindi naman po, hindi naman.

“Prayers po. Di ba, sabi nila, pag nag-pray ka, tutuparin naman ni God yun.

“Baka kasi hindi pa ready kaya nga ayoko ng magmadali, e.

“Kasi lahat ng relationships ko dati, minadali ko.

“Tsaka ni wala na akong tingin.

“Ngayon, parang may piring na ang mata ko, wala akong makikita na… wala, wala, deadma ka sa akin!

“Kahit sino, wala, wala, wala, poker-faced.

“Huwag kang magbigay ng pahiwatig or anything, di ba?”

Baka hindi pa lang siya nakakatagpo ng iibiging muli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi nga po masaya na ako, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN