Katrina Halili is open to relationships with older men, but says: "Gusto ko ng spark."

Katrina Halili doesn't mind dating older men, and insists she's not the materialistic type: "Hindi naman ako materyosa pero gusto ko yung kaya akong buhayin. Di ba, iba naman yun sa mahilig sa materyal na bagay tsaka yung marunong bumuhay?"


Hindi raw materyosang babae si Katrina Halili pagdating sa pagpili ng lalaking makakarelasyon.

“Hindi naman ako materyosa pero gusto ko yung kaya akong buhayin.

“Di ba, iba naman yun sa mahilig sa materyal na bagay tsaka yung marunong bumuhay?”

May tsansa kaya na pumatol siya sa isang biyudong mayaman?

“Oy!” ang bulalas na pagtanggi ni Katrina.

Kung biyudo naman at kaya siyang buhayin, ayaw pa niya?

“Ah, akala ko naman… pag-iisipan natin.

“Pero siyempre, kailangan naman may spark.

“Gusto ko may spark, gusto ko gigising ako na masaya ako, di ba?

“Parang si Yasmien, dyusko, ilang taon na sila ng asawa niya, pero akala mo one month pa lang magdyowa,” at tumawa si Katrina.

ENVIOUS OF YASMIEN'S SOLID MARRIAGE. Hanggang ngayon kasi ay sweet na sweet ang Sa Piling ni Nanay co-star niyang si Yasmien Kurdi at ang mister nitong si Rey Soldevilla, Jr.

“Naiinggit ako! Inggitera ako,” at tumawa si Katrina.

“Kasi okay yung sa kanila, di ba?

“Kahit ilang years na sila, parang bagung-bago pa rin ang relasyon nila.”

Ganun din ang nais maranasan ni Katrina kapag nagkaroon na siya ng panibagong karelasyon.

“Oo naman.”

OPEN TO OLDER GUYS? Payag ba siya sa isang much older guy pero binata, at kaya siyang buhayin at ang anak niyang si Katie?

“Ay, mas gusto ko naman talaga ng mas matanda sa akin.”

Kung tweny years older?

“Twenty years older?” balik tanong niya.

“Puwede less than twenty years lang?” at tumawa ang Kapuso actress.

Paano kung much older pero binata at mayaman.

“Pero kailangan may spark,” ulit niya.

Kung bigyan siya ng diamonds na matindi kung mag-spark.

“Gusto ko ng spark,” at tumawa si Katrina.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Katrina sa taping ng Sa Piling ni Nanay kamakailan.

HAPPILY CELIBATE. May nagtanong kay Katrina kung kahit walang sex ay masaya na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo!

“Akala mo hindi ko sasagutin, 'no?” at tumawa ang aktres.

“Wala talaga, pramis!

“Kasi po natutunan ko na yung talagang happiness e nandito yun e,” sabay turo ni Katrina sa kanyang puso.

“Hindi siya pisikal na bagay na nararamdaman lang.

“Sobrang saya ko po ngayon hindi ako naghahanap ng mga anik-anik diyan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN