Jennylyn Mercado ignores bashers of rumored pairing with Alden Richards

IMAGE Noel Orsal

Jennylyn Mercado on bashers: "Alam ko naman na deadma na lang ako, pero iba pa rin yung pag may mga mababasa kang negative di ba? So, mas maganda kung iwasan mo na lang."


Simula nang lumabas ang balitang magsasama sina Jennylyn Mercado at Alden Richards sa Pinoy remake ng hit Koreanovela na My Love From The Star, naging tampulan na ng bashers ang tinaguriang Ultimate Star.

Read: Jennylyn Mercado mum on rumor about being paired with Alden Richards for Koreanovela remake

Para hindi siya maapektuhan ng kung anu-anong mga salitang mababasa niya, pinili na lang ni Jennylyn na deadmahin ang mga ito.

Ngunit aminado rin ang Kapuso actress-TV host minsan daw ay naapektuhan siya sa ilang mga negatibong komento.

Sabi niya, “Pinili ko na lang na hindi na i-check yung mga comments or yung account ko sa Twitter.

“Well, hindi naman ako masyadong nagtu-Twitter, pero mas pinili ko na hindi na lang basahin kaysa sa…

“Alam ko naman na deadma na lang ako, pero iba pa rin yung pag may mga mababasa kang negative di ba?

“So, mas maganda kung iwasan mo na lang.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Jennylyn sa presscon ng bago niyang show sa GMA Network, ang Superstar Duets, ngayong Martes, August 30,

Sa tingin ba niya kaya siya kinuyog ng bashers ay dahil gusto ng fans ng AlDub loveteam nina Alden at Maine Mendoza na sila pa rin ang magsasama sa isang proyekto?

Tugon ni Jennylyn, “Sa ngayon kasi, talagang maganda ang samahan nila, so mas maganda rin siguro kong mag-i-stick na lang muna sila dun.”

Hindi pa alam sa ngayon kung sino ang makakapareha ni Jennylyn sa My Love From The Star.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN