Joross Gamboa laughs off question about video scandal: "Wala na yun."

IMAGE Noel Orsal

Natatawa na lang si Joross Gamboa kapag muling nababanggit sa kanya ang diumano'y video scandal niya. Past na raw ito kaya ayaw na niyang pag-usapan. Sa ngayon, masaya naman daw siya sa sunud-sunod na projects niya sa GMA Network.


Matapos ang pitong buwan mula nang naging viral ang video scandal niya, tinatawanan na lang ng aktor na si Joross Gamboa ang tungkol dito.

Read: Joross Gamboa's alleged video scandal goes viral

“Wala na yun!” bulalas niya.

Kamakailan ay may nasulat sa isang tabloid na mas tumatak pa diumano ang naturang video scandal kaysa sa kanyang pangalan.

Sa isang ATM outlet daw kasi kung saan magwi-withdraw sana si Joross ay nagbubulungan daw ang mga guwardiya kung ano ang pangalan niya.

Ang sabi raw ng isa, siya yung may video scandal, dahil hindi naalala ng mga ito ang kanyang pangalan.

Ayon kay Joross, “Naaalala ko yung ATM na offline, pero si Bob [ang binanggit].”

Bob ang pangalan ng character niya sa GMA-7 primetime series na Juan Happy Love Story.

Dagdag pa niya, “No comment na ako. Ang sa akin basta, wala na.”

Ayaw na raw niya itong pag-usapan dahil nakaraan na ito.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joross sa presscon ng Superstar Duets sa 17th floor ng GMA Network Center, Quezon City, kaninang tanghali, August 30,

Isa si Joross sa celebrity contestants ng bagong singing competition ng Kapuso network na magsisimula sa September 3, pagkatapos ng Magpakailanman.

“BLESSED AND HAPPY.” Hanggang ngayon ay natatawa pa rin daw si Joross kung bakit siya napasama sa Superstar Duets.

Unang-una, hindi naman daw talaga siya singer.

Sabi niya, “Anyway, dahil maganda naman yung pag-welcome sa akin ng GMA, siyempre itong hiniling nila na maging part ako ng Superstar Duets, siyempre pinagbigyan ko.

“And blessed ako and masaya ako na naging part ako dito dahil hindi lang pala siya normal na singing contest, may comedy siya, so magagamit ko dito yung comedy-comedy.

“Ayun, in-enjoy lang namin and hopefully mag-hit talaga ito.”

Biro pa niya, sinimulan na raw niya ang pag-aaral sa 'paghawak ng nota' sa naturang palabas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN