Ai-Ai delas Alas proud of boyfriend Gerald Sibayan for graduating from college

IMAGE Noel Orsal

Ipinagmamalaki ni Ai-Ai delas Alas ang pagpupursigi ng boyfriend na si Gerald Sibayan na makatapos ng kolehiyo. Mensahe ng Comedy Queen, "Tumaas ang respeto ko sa 'yo lalo kasi puwede ka namang magtamad-tamaran at mag-Counterstrike maghapon pero inilaban mo na araw-araw gumising ng maaga at suungin ang traffic at baha papuntang Maynila galing sa QC…"


Magtatapos na sa kursong Sports Management ang live-in partner ni Ai-Ai delas Alas na si Gerald Sibayan.

Sa pamamagitan ng Instagram, ibinahagi ng 22-year-old De La Salle University student ang kanyang nalalapit na pagsusuot ng toga na aniya ay ang pinakamagandang OOTD (outfit of the day) sa tanang buhay niya.

Pinasalamatan din niya ang kanyang mga magulang at siyempre si Ai-Ai dahil sa suporta at tiwala ng mga ito sa kanya.

Saad ng dating star player ng DLSU badminton team, “Ito na ang pinaka-the best na maisusuot ko sa buhay ko para maging proud ang mga taong nakapaligid sa 'kin, katulad ng aking magulang at aking darling @msaiaidelasalas

“Thank you sa pagtitiwala, supporta, love at prayers niyo AFTER 5 YEARS maisusuot ko na din itong OOTD na ito.

“Napakasarap sa pakiramdam at mapapaluha ka nang konti dahil sa sobrang saya. Thank you GOD.”


“I AM SO PROUD OF YOU, DARLING.” Hindi naman maitago kay Ai-Ai ang kanyang kaligayahan sa pagtatapos sa kolehiyo ng kanyang nobyo.

Mensahe ng Sunday PinaSaya star para kay Gerald, “I want to congratulate you not just because you achieved your goals but because of how you became a man with dignity and integrity...

“Tumaas ang respeto ko sa 'yo lalo kasi pwede ka namang magtamad-tamaran at mag-Counterstrike maghapon.

“Pero inilaban mo na araw-araw gumising ng maaga at suungin ang traffic at baha papuntang Maynila galing sa QC...

“Dahil gusto mong mag-aral, gusto mong makatapos at gusto mong matupad ang pangarap MO AT PANGARAP KONG makatapos KA at maipagmalaki kita sa buong mundo.

“And now I want to say to the whole world I AM SO PROUD OF YOU DARLING. Congratulations.

“Naluluha ako sa kaligayahan and after 2 1/2 years (remember? Bashmax galore? Hahahah) sasabihin ko ulit ..”

Paalala pa ni Ai-Ai sa mga nagdududa pa rin hanggang ngayon sa kanyang karelasyon: “They just know your name but not YOUR STORY... I LOVE YOU SO MUCH... TO GOD BE THE GLORY.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN