Kathryn Bernardo says she's lucky to have Daniel Padilla as protector

IMAGE Jerry Uy

Kathryn Bernardo: "I'm lucky kasi si DJ, nakikita ng mga kabataan at kalalakihan na dapat ganun respetuhin ang mga babae."


Tila may halong banta ang pag-amin ni Daniel Padilla na exclusive sila sa isa't isa ni Kathryn Bernardo, at walang puwedeng dumagdag sa anumang namamagitan sa kanila.

Read: Kathryn Bernardo on relationship with Daniel Padilla: 'Eto yung happiest stage.'

Nag-react naman kaagad si Kathryn, pero tila hindi konektado sa pahayag ni Daniel.

Sabi ng Kapamilya actress, “Ganun naman, e, kahit hindi sabihin ng mga tao, naiintindihan naman na parang respeto nila ito sa aming dalawa.

“Okey na maging kaibigan, pero si DJ [Daniel] talaga will always have a special place in my heart.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kathryn pagkatapos ng presscon proper ng pelikula nila ni Daniel na Barcelona, na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN, nitong Martes, August 30.

PROTECTIVE. Habang ginaganap naman ang presscon ay kapansin-pansin ang extra-sweetness ni Daniel sa kapareha.

Halos hindi inaalis ng binata ang kamay na nakapatong sa tuhod ni Kathryn sa kabuuan ng presscon.


Obvious ang pagiging extra-caring ni Daniel sa kanya, ano ang masasabi ni Kathryn dito?

Aniya, “As a woman, masaya yung pakiramdam na may nag-aalaga sa iyo.

“Feeling ko, protected ako.

“Ganyan ang feeling ko kapag nandiyan si DJ at yun ang nararamdaman ko.

“Hindi kasi lahat ganun, e, konti na lang ang ganun na lalaki.

“And I'm lucky, kasi si DJ, nakikita ng mga kabataan at kalalakihan na dapat ganun respetuhin ang mga babae.

“Para makuha mo rin ang respeto ng babae sa iyo.”

Kumusta naman ang relasyon nila bilang love team, nag-level up na rin ba ito katulad ng inaasahan ng marami?

Hindi diretsong sinagot ni Kathryn ang tanong. Sa halip ay ni-relate niya ito sa kanilang trabaho.

Saad niya, “Oo, kami dito ni DJ, parang... dati naman, parating teamwork kami ni DJ.

“Pero grabe dito sa movie na ito, talagang pinagtulungan namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagtutulungan kami sa isa't isa para magawa siya nang maayos.

“Excited kami na makita nila yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN