Melai Cantiveros posts video of daughter talking to her dad Jason Francisco: Melason redux?

IMAGE @mrandmrsfrancisco on Instagram

Mukhang mauuwi rin sa pagkakaayos ang naging hiwalayan nina Melai Cantiveros at Jason Francisco. Sa isang Instagram post ng TV host-comedienne, sinabi nitong nag-usap ang kanyang anak na si Baby Mela at ang ama nitong si Jason.


Mukhang unti-unti nang nagkakaayos ang mag-asawang Melai Cantiveros at Jason Francisco.

Sa Instagram post ng Magandang Buhay host ngayong araw, August 31, sinabi niyang nagkausap sa telepono si Jason at ang anak nilang si Amelia Lucille o Baby Mela.

Saad ni Melai sa caption ng video na kanyang ipinost: “Binilhan cya ni papa nya ng phone. Tapos tumawag si papa nya at ganyan sila mag usap #M&J #magandangbuhay #fatheranddaughter #2yrsold.”

Maliban sa salitang ‘Papa,’ hindi maintindihan ang ilang sinasabi ni Baby Mela.

Matatandaang nitong nakaraang August 3 ay binura ni Jason ang mga larawan nila ni Melai sa Instagram account ng anak.

Ipinaramdam din niyang nami-miss na niya ang kanilang panganay ni Melai.

Read: Jason Francisco deletes IG post about breakup with Melai Cantiveros

Noong July 27, isang mahabang open letter ang ibinahagi ni Jason sa Instagram tungkol sa dahilan ng hiwalayan nila ni Melai.

Read: Melason no more?: Jason Francisco writes open letter about split with Melai Cantiveros

Pero si Melai ay umaasa pa ring maaayos ang kanilang nasirang relasyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN