Inah de Belen on mom Janice de Belen and stepmom Priscilla Meirelles: "No need to be super friends."

IMAGE Noel Orsal

Inah de Belen talks about the relationship of mom Janice de Belen and stepmother Priscilla Meirelles. While Janice and Priscilla do not have a good relationship, they do not have a bad relationship either.


“I want a new environment and I want to explore more.”

Ito ang paliwanag ni Inah de Belen tungkol sa kanyang paglipat sa GMA Network at pagpirma ng kontrata sa GMA Artist Center.

Dagdag pa niya, “Yun lang ang reason kung bakit ako lumipat

“Pero I have no ill will and I was super happy. They [her former network] took care of me.”

Ano ang landas na gusto niyang tahakin sa showbiz?

Sagot niya, “Mahilig ako sa indie films, aside from this [television].

“Yun pa yung gusto kong gawin. As in yun talaga ang gusto kong gawin.

“Hopefully with this show and anything else na gagawin ko with GMA, will help me go to that dream.”

Bibida si Inah sa upcoming drama series na Oh My Mama; kasama sina Jake Vargas, Jeric Gonzales, at Sheryl Cruz.

Kasama rin siya sa indie movie na Die Beautiful na pinagbibidahan ni Paolo Ballesteros.

Read: Inah de Belen explains why she stopped using real name Inah Estrada; will co-star soon with Jake Vargas

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Inah sa blog conference na inihanda ng GMA Artist Center para sa kanya, na ginanap sa Tous les Jours bakery, sa Trinoma Mall, Quezon City, nitong Martes, August 30.

ON MOM JANICE AND PRISCILLA. Hiningi rin ng PEP ang opinyon ni Inah sa pagkakaroon ng maayos na relasyon sa pagitan ng kanyang inang si Janice de Belen at stepmother na si Priscilla Meirelles.

Nagkatrabaho pa sina Janice at Priscilla sa isang daytime drama sa Kapamilya network.

Ayon kay Inah, “It’s not a surprise that they’re in a good relationship… not good, but in a civil relationship.

“I wouldn’t say good because they’re not super friends.

“Hindi naman kailangan. They don’t need to. There’s no need to be super friends.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At least they work together. That’s the most important thing.

“Ganun naman talaga. There’s no bad blood there at all.”

BIG PRESSURE. Inamin naman ni Inah ang pagkakaroon ng pressure sa kanyang patunayan ang sarili dahil sa kanyang mga magulang na sina Janice at John Estrada.

“A lot. I wish people could feel how I feel because sobra talaga akong napi-pressure.

“Ang gagaling kasi nila [parents], e, so siyempre ang iisipin ng mga tao, ‘Kung magaling ang mga magulang mo, dapat ikaw magaling ka.’

“But I’m super proud of my parents, sobra akong proud na ako ang anak nila.

“But of course, siyempre, gusto ko ding mag-build ng sarili kong image and pangalan, and not just anak ni Janice, anak ni John.

“I want to make my parents proud also.

“Which is why I hope itong show na ito would be the very first stepping stone to me.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN