Winwyn Marquez inspired to study hard because of boyfriend Mark Herras

IMAGE @angelo_herras on Instagram

Hindi nag-aatubili ang magkasintahang Mark Herras at Wynwin Marquez na ipahayag ang kanilang damdamin para sa isa't isa sa Instagram.


Malapit nang matapos ni Winwyn Marquez ang kanyang Master's Degree para matupad na rin ang kanyang pangarap na maging teacher.

Naging mas ganado raw si Winwyn sa kanyang pag-aaral nang maging sila ng kapwa Kapuso star na si Mark Herras.

Si Mark daw kasi ang nagsisilbing inspirasyon ng 24-year-old actress upang mapanatili ang kanyang magandang grado.

Ngayong araw, August 31, isang mensahe ng pasasalamat ang ibinahagi ni Winwyn sa kanyang Instagram account para sa kanyang nobyo.

Naka-perfect score daw kasi siya sa isa nilang exam dahil kay Mark.

Mensahe ni Winwyn, “Got a perfect score sa isang prelim exam ko and i was just so happy!

“It's true pag may inspirasyon ka and may tao na talagang nag pupush at naniniwala sayo mas gaganahan ka kumilos at mag improve pa lalo thank you angelo.

“i'll finish my teacher's program pangga.. I will... well... basta lagi mo ako pagluto hehe proud of you din na tinuturuan mo self mo magluto.”

Nangako naman si Mark na gagalingan pa niya ang pagluluto para sa girlfriend.



Nitong nakarang Hunyo, sinabi ni Mark sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na si Winsyn na ang huling babaeng kanyang mamahalin.

Read: Mark Herras swears Winwyn Marquez will be his one last love: 'Mark my words, siya na yung last.'


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN