Watch Now

Sancho delas Alas says Gerald Sibayan graduating from college will shut up bashers

by Rommel R. Llanes
Sep 1, 2016
Nagbigay ng mensahe ang panganay na anak ni Ai-Ai delas Alas na si Sancho delas Alas (kaliwa) para sa boyfriend ng ina na si Gerald Sibayan (kanan) dahil sa pagtatapos nito sa kolehiyo.

Sa pamamagitan ng Facebook private messaging ay hiningi namin ang permiso ni Sancho delas Alas na ilabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang status niya tungkol kay Gerald Sibayan, ang kasintahan ng ina niyang si Ai-Ai delas Alas.

Nagtapos ng kursong Sports Management si Gerald sa De La Salle University (DLSU).

Read: Ai-Ai delas Alas proud of boyfriend Gerald Sibayan for graduating from college

Dahil malapit din si Gerald kay Sancho, masaya at proud ang panganay na anak ni Ai-Ai sa achievement nito.

Kaya naman sa FB page ni Sancho ay nagbigay siya ng mensahe para sa kanyang “kumpadre”:

“Congrats kumpadre!!! Gerald, wala na silang pwedeng sabihin pa tungkol sa ‘yo... Yung mga nangba-bash sa inyo noon, nganga na ngayon...

“Gusto ko lang i-share... Totoo naman, di ba? Mas masarap humilata sa bahay, gigising ka, maglalaro ng computer...

“Pero mas pinili ni Gerald na gumising nang maaga at pumasok sa eskwela... Dahil may pangarap siya, hindi lang para sa kanya pati na din para sa nanay ko!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Salamat kumpadre! Yung mga bashers na nagsabi na kesyo pera lang habol mo or kung ano man.... Leche sila...

“Eto patunay toh kung anong meron kayo ni Mama!!!

“Congrats ulit!!! #ANIMOLASALLE”

Kasunod nito ay nag-comment si Gerald sa mismong timeline ni Sancho ng: “Thank you kumpadre”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagbigay ng mensahe ang panganay na anak ni Ai-Ai delas Alas na si Sancho delas Alas (kaliwa) para sa boyfriend ng ina na si Gerald Sibayan (kanan) dahil sa pagtatapos nito sa kolehiyo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results