Billy Crawford slams inclusion in 'list' of celebs using illegal drugs

by Melba R. Llanera
Sep 1, 2016
Billy Crawford on undergoing drug test: "If you’ve nothing to hide, why not? Pag may itinatago ka, mas mabuti nga, ika nga ni Digong [President Rodrigo Duterte], sabi niya, e, sumuko ka na lang. Matutulungan ka naman, you can go to rehab, puwede kang magpa-doktor or anything like that. But if there’s anything else, pag itinatago mo na, there’s something wrong."

Inamin ng Kapamilya singer-TV host na si Billy Crawford na sumama ang loob niya nang malamang kasama siya sa listahan ng mga artistang gumagamit diumano ng illegal drugs.

Hindi pa kumpirmado kung lehitimo ang nasabing listahan na inilabas sa isang tabloid, ngunit kasama raw ni Billy na nasa listahan ang kapwa niya It’s Showtime hosts na sina Vice Ganda at Anne Curtis.

Pati na ang matinee idols na sina James Reid at Enrique Gil, ang Kapuso actress na si Solenn Heussaff, at ang socialite/eventologist na si Tim Yap.

Nauna nang itinanggi ni Tim sa isang radio interview na may kinalaman siya sa illegal na droga.

Read: Tim Yap cries foul over drug allegations: 'Napakasakit, napaka-unfair.'

Habang kasama naman si Enrique sa Star Magic artists na nag-voluntary drug testing, at negatibo ang resulta nito.

Read: Enrique Gil, Jake Cuenca, Diego Loyzaga, other Star Magic artists volunteer to undergo drug testing

Wala pa namang pahayag ang ibang mga artistang nabanggit.

Continue reading below ↓

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Billy sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 kahapon, August 31, nagsalita tungkol sa pagkalat ng naturang listahan.

Saad niya, “Without anything, ‘yan ang ikasisira ng buhay ng isang tao dahil ang nadadamay diyan, isang pamilya, nadadamay ang sarili mo, ang trabaho mo.

“Sa mga nagsasalita diyan, siguro mas mabuting tumahimik na lang kung hindi nila alam ang totoo di ba?”

DRUG TEST. Idiniin din ni Bily na wala siyang anumang koneksiyon sa illegal drugs.

“For me, alam ko ang totoo, hindi ako gumagamit at hindi rin ako nagpu-push, so that’s it.”

Ayon pa kay Billy, handa siyang magpa-drug test anumang oras.

“Of course. Sa totoo lang, ako, naaresto ako sa BGC that time, they gave me a random drug test for me, I tested negative.

“Wala akong tinatago,” diin niya.

Sang-ayon din si Billy sa random drug testing sa kanilang mga artista.

Continue reading below ↓

“Yeah, sure. If you’ve nothing to hide, why not?

“Pag may itinatago ka, mas mabuti nga, ika nga ni Digong [President Rodrigo Duterte], sabi niya, e, sumuko ka na lang.

“Matutulungan ka naman, you can go to rehab, puwede kang magpa-doktor or anything like that.

“But if there’s anything else, pag itinatago mo na, there’s something wrong.”

May patutsada rin ang It’s Showtime host sa sinumang naglabas ng listahan ng pangalan ng mga artista na gumagamit diumano ng illegal drugs.

Aniya, “Nagpapasikat lang ang ibang tao kasi, alam mo na, medyo taghirap ngayon.

“Gusto lang nila na makadamay ng ibang tao.

“Minsan mag-isip-isip din ang mga tao dahil nakakasira talaga ng buhay ‘yan.

“Una, pag gumagamit ka ng drugs, nakakasira talaga ng buhay.

“Pero pag nadadamay ka sa mga sitwasyon na ganun, mas nakakasira kasi kailangan mong ipagtanggol ang sarili mo.

“Pati yung pamilya mo, pati kung ano yung pinagtatrabahuhan mo.”

Continue reading below ↓

ASAP IN NEW YORK. Kabilang si Billy sa Kapamilya stars na lumipad sa New York para sa pagtatanghal ng ASAP doon.

Ayon kay Billy, babalik din siya agad pagkatapos ng show dahil na rin sa mga trabahong maiiwan niya sa Pilipinas.

“It’s like going back home. Taga-doon naman ako, so very excited, not really prepared to leave yet.

“Kasi ang dami ring inaasikaso dito, and of course, mami-miss ko rin si Coleen.

“Well, actually, pagdating ko dun, rehearsal ako.

“Pagkatapos ng rehearsal, show kami kinabukasan, at pagkatapos nun balik kaagad ako dito.

“May Pinoy Boyband Superstar kami, may Showtime, hindi puwedeng iwanan.”

Read Next
Read More Stories About
Billy Crawford
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Billy Crawford on undergoing drug test: "If you’ve nothing to hide, why not? Pag may itinatago ka, mas mabuti nga, ika nga ni Digong [President Rodrigo Duterte], sabi niya, e, sumuko ka na lang. Matutulungan ka naman, you can go to rehab, puwede kang magpa-doktor or anything like that. But if there’s anything else, pag itinatago mo na, there’s something wrong."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results