Mocha Uson hits Vice President Leni Robredo anew

IMAGE Mocha Uson Blog on Facebook

Muli na namang binatikos ni Mocha Uson si Vice President Leni Robredo dahil ngawa lang daw ito nang ngawa imbes na tulungan si President Rodrigo Duterte sa kanyang kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot.


Muling binanatan ng blogger at sexy dancer na si Mocha Uson si Vice President Leni Robredo.

Nitong nakaraang August 30, muling kinuwestiyon ni Mocha—masugid na tagasuporta ni President Rodrigo Duterte—si Vice President Robredo sa loyalty nito sa presidente.

Ngawa raw nang ngawa ang vice president tungkol sa problema sa rehabilitasyon ng drug users na sumuko, sa halip na tumulong na lamang sa kampanya ng pangulo sa pagsugpo sa ilegal na droga.

Sabi ni Mocha sa kanyang open letter kay VP Leni, “Unang-una sa lahat, kung alam niyo pala ang problema sa REHABILITATION, bakit hindi na lang po kayo tumulong kesa sa ngawa kayo ng ngawa at pasyal ng pasyal sa ibang bansa?

“Pangalawa, ang huling pagkakaalam ko mam VP kayo po ay kabahagi ng gabinete ni P. Duterte, baka gusto niyo munang subukan magtanung-tanong sa paligid niyo po.

“MAWALANG GALANG NA PO ngunit kayo na lamang ata ang hindi nakakaalam ng REHABILITATION Program ng ating gobyerno.

“May suggestion po ako sa inyo mam, PAKI-FOLLOW po itong page na ito para po makita naman ninyo ang ginagawang programa ng ating Pangulo.

“HINDI PO AKO NAGYAYABANG kaya lang nakakainit talaga ng ulo kasi si PANGULONG DUTERTE ay hirap na hirap labanan at SOLUSYONAN ang problema sa DROGA tapos kayo mam ano po ang naging kontribusyon nyo?

“O baka naman po naghahanap na naman kayo ng atensyon mula sa INTERNATIONAL PRESS?”

Sinamahan pa ni Mocha ang post niya ng link sa dalawang videos ng mga panayam niya sa ilang cabinet members tungkol sa kampanyang ito ng pangulo.

Una nang pinuna ni Mocha ang bise presidente nang iproklama itong panalo sa 2016 elections.

Read: Mocha Uson to Leni Robredo: 'Support Duterte or else we will be forced to remove you from your office.'


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN