Bianca Gonzalez appreciates President Duterte despite being not in favor of his views

by James Patrick Anarcon
Sep 3, 2016
Bianca Gonzalez admits not being in favor of President Rodrigo Duterte's views at times, but appreciates how he addresses and updates the Filipino people. "Even though I don't agree with his view at times, I truly appreciate that our President always addresses and updates the public."

Naglabas ng opinyon sa Twitter ang TV host na si Bianca Gonzalez tungkol sa pamumuno ni President Rodrigo Duterte.

Sa kanyang tweet kahapon, September 2, sinabi niyang kahit na hindi siya pabor madalas sa pananaw ni President Duterte ay gusto niya kung paanong laging nag-a-update ang presidente sa mga isyung dapat malaman agad ng publiko.

Saad niya, “Even though I don’t agree with his view at times, I truly appreciate that our President always addresses and updates the public.”

Sinundan naman niya ito agad ng isa pang tweet na tila tirada sa mga nagsasabing siya ay isang “yellowtard,” o mga taong mas kampi sa dating administrasyon.

Sabi niya, “Still on that note, hindi dahil may napuna ang tao kay Pres. Duterte, "yellowtard" na. Pwede bang di lang agree? Keri lang?”

Samantala, kaninang umaga naman ay may isa namang netizen na sinagot si Bianca nang tanungin siya nito kung may pagkakataon bang hindi siya sumang-ayon sa dating administrasyon at naglabas ng opinyon.

Continue reading below ↓

Ipinunto naman ni Bianca ang Mamasapano incident kunsaan 45 na miyembro ng SAF ang namatay.

Isinaad din ni Bianca na hindi siya “hater” ng bagong administrasyon at kahit hindi niya binoto ang kasalukyang presidente at bise-presidente ay sinusuportahan niya ang mga ito.

Sa kabilang banda, kapansin-pansin din ang pagre-retweet ni Bianca ng mga posts tungkol sa pagsabog na naganap kagabi kungaan labing-apat ang namatay at mahigit 60 ang nasaktan.

Kaninang hapon lang ay nagbigay din ng saloobin si Bianca tungkol sa mga netizens na nagsasabing “Akala ko ba safe sa Davao.”

Aniya, “Di ko nakita personally ang nag-post na ‘Akala ko safe sa Davao?’ pero kung meron man... siguro, delete na lang at magdasal para sa nasawi.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bianca Gonzalez admits not being in favor of President Rodrigo Duterte's views at times, but appreciates how he addresses and updates the Filipino people. "Even though I don't agree with his view at times, I truly appreciate that our President always addresses and updates the public."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results