Watch Now

Barbie Forteza downplays comments saying she impersonates Kris Aquino better than Angelica Panganiban

by Rommel R. Llanes
Sep 3, 2016
Barbie Forteza says she doesn't see anything wrong with her Kris Aquino impersonations, and is not afraid to meet Kris anytime soon: "Kasi ako naman as her impersonator, hindi ko siya binabastos."

Dahil siya si Kissy Anino na gumagaya kay Kris Aquino sa "Star Buzz" portion ng Sunday PinaSaya, tinanong namin si Barbie Forteza kung ano ang una niyang naramdaman noong nalaman niyang lilipat si Kris Aquino sa GMA.

“Nakaka-stress! Bakit ba ako ang tinatanong,” natatawa niyang sagot.

Ipinaliwanag namin na siya kasi ang nag-i-spoof kay Kris kaya siya ang natatanong.

“Huy grabe, trabaho lang ito!” pagklaro niya.

JUST DOING HER JOB. In-expect ba niya na darating ang panahon na magiging kapwa niya Kapuso si Kris?

“Ah, wow, teka lang,” at muli itong tumawa.

“Hindi naman, parang hindi naman siya...

“Good news siya for the network and for us, kasi malay natin, di ba, magkita kami or mag-meet kami somewhere.

“Pero hindi naman para isipin ko na, ‘Ay, lilipat dito si Ms. Kris, paano na 'yan?!’ Ganun-ganun.

"Kasi ako naman as her impersonator, hindi ko siya binabastos.

“Wala akong ginagawa na hindi niya ginagawa. Wala akong sinasabi na hindi niya sinasabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung mga ini-interview namin, kinikilala ko rin katulad ng ginagawa niya.

“So I don’t think na kailangan kong matakot if ever ma-meet ko siya, kasi wala akong ginawang masama.

“I’m just doing my job.

“And kung sakali man na hindi ganun yung maging dating sa kanya ng ginagawa kong pag-i-impersonate e hindi naman para hindi ko na siya batiin.

“Magpapakilala pa rin ako, susuyuin ko siya, ganun.”

Paano at bakit niya susuyuin si Kris?

“Ewan ko. E, kung sakali lang na hindi niya ako magustuhan.”

Paano kung sa una nilang pagkikita, ang maging senaryo ay yakapin siya ni Kris at purihin at sabihing natutuwa ito sa panggagaya sa kanya ni Barbie?

“Sobrang thankful at saka sobrang malaking accomplishment sa akin na nare-recognize ng malalaking taong katulad ni Ms. Kris yung ginagawa ko,” saad niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Barbie noong August 24, sa Le Reve Events Place, kung saan naganap ang presscon para sa September 4 and 11 first-anniversary celebration ng Sunday PinaSaya ng GMA kung saan isa si Barbie sa mga main hosts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama rin niya sa Sunday PinaSaya sina Marian Rivera, Ai-Ai delas Alas, Jose Manalo, Wally Bayola, Julie Anne San Jose, Valeen Montenegro, Jerald Napoles, Joey Paras, at Alden Richards.

BETTER THAN ANGELICA? Hiningan naman namin ng komento si Barbie tungkol sa obserbasyon ng marami na mas magaling siya na manggaya kay Kris kaysa kay Angelica Panganiban.

“Nakaka…kayo lang gumagawa niyan, e!” hirit niya.

Pinag-uusapan kasi ngayon si Barbie bilang impersonator ni Kris.

“E, siguro kasi bago.

“Pero kasi si Ms. Angelica naman, kilala na naman nating lahat 'yan.

“Bigla-bigla na lang gaganun 'yan, di ba?”

Napapanood raw niya si Angelica kapag ini-impersonate si Kris.

“Oo, nanood din ako ng mga clips niya.

“Kasi para sa akin hindi naman, kumbaga, 'yang pag-i-impersonate, hindi naman siya competition.

“Ano siya, trabaho lang siya talaga at saka hindi siya para personalin.

“Kasi in the first place, hindi naman talaga ako impersonator.

“Aktres naman talaga ako, di ba? Sideline ko lang naman ito, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So hindi naman para i-big deal ko yun, di ba?”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Barbie Forteza says she doesn't see anything wrong with her Kris Aquino impersonations, and is not afraid to meet Kris anytime soon: "Kasi ako naman as her impersonator, hindi ko siya binabastos."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results