PEP EXCLUSIVE. Benjamin Alves and Julie Anne San Jose open up about their brewing romance

by Arniel C. Serato
Sep 6, 2016
Halatang kumportable na sa isa't isa sina Benjamin Alves at Julie Anne San Jose, na exclusively dating na ngayon. Umaasa ang dalawang Kapuso stars na mapunta sa maganda ang kanilang papausbong pa lamang na relasyon.

Sa unang pagkakataon mula nang mapabalitang nasa ‘exclusively-dating’ stage na sila, pumayag sina Benjamin Alves, 27, at Julie Anne San Jose, 22, sa isang sit-down interview sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Eksklusibo silang nakausap ng PEP sa Converse: Fall/Holiday 2016 press preview sa Sky High Bar ng Ace Hotel and Suites, Pasig City, Lunes ng gabi, September 5.

Sweet na sweet ang dalawa at kapwa pa sila nakasuot ng pula.

Una muna naming inusisa kung ano ba para sa kanila ang kahulugan ng ‘exclusively dating.’

Tugon ni Benjamin, “Siya lang. Yun lang yun. Kami lang.”

Sinegundahan naman ito ni Julie Anne.

Aniya, “Yeah, siya lang. Kasi it's weird naman if we're seeing each other and we’re seeing someone else.”

Dagdag pa ni Benjamin, “I think we both grow up in the sense na we’re dating someone… yun lang yung focus namin.”

Ano ba ang nagustuhan nila sa isa’t isa?

Sagot ni Julie Anne, “He’s very honest and sincere.

Continue reading below ↓

“God-fearing and may respeto sa akin at sa family ko. And I think yun yung pinakaimportante sa akin.

“We get along din.”

Dagdag naman ni Benjamin, “We really do get along.

“Yung pagka-priority niya pa rin sa kanya [career] ay pareho lang, that’s a big thing for her and with her sisters.

“Basta kilala namin ang isa’t isa, e.

“We really know each other and I know things na we don’t really need to talk about.

“Basta, I really know who she is, and I think [sabay tingin kay Julie Anne] you know who I am.

“Dahil dun, that’s what make me like her.

“We both understand how showbiz is really confusing. Sometimes there are things that you can’t help.

“Alam naman namin na gusto mo lang talaga yung ka-partner mo, kasama mo na would be able to go through that.”

Plus factor ba sa kanilang dalawa na pareho silang nakapagtapos ng kolehiyo?

Continue reading below ↓

Ayon sa singer-actress, “Siguro, nagkataon.”

Singit ni Benjamin, “Pareho kaming nerd. Yun naman yun, pareho kaming nerd.

“So, yung mga pinag-uusapan namin, siguro hindi interesting to other people, but for us…”

Patuloy ni Julie Anne, “There are things kasi na kami lang ang nakakaintindi din.”

Dagdag naman ni Benjamin, “Yung mga nakikinig sa mga pinag-uusapan namin, maybe they don’t understand us, yung kami lang yung nagtatawanan.

“Yun lang naman yun, e, basta we’re on the same wavelength. That’s very important.

“We value the same things, we prioritize the same things.”


Continue reading below ↓

THE RIGHT GIRL? Kailan kaya nila gagawing pormal ang kanilang relasyon?

Natatawang sabi ni Julie Anne, “I don’t think I should answer your question.”

Pagsang-ayon ni Benjamin, “Yeah, I think if we get there, that will be something that siguro sa amin na lang.

“Sa amin na lang siguro yun.

“What you see is what you get, so that’s probably the best way to describe it.

“Siguro kung may makakaalam man niyan, siguro yung mga pamilya po namin.”

Matagal nang single si Benjamin. Sa tingin ba niya ay si Julie Anne na ang 'the right girl' para sa kanya?

Tugon ng Kapuso hunk, “I think when you’re dating somebody, siya naman na yung gusto mo mapuntahan, e.

“You know, there’s a lot of qualities about her that makes her unique and make me…

“I think this is probably the most open I’ve been.”

Ayon naman kay Julie Anne, ganun din siya at ngayon lang daw siya ka-open sa isang ligawan stage ng kanyang buhay.

Continue reading below ↓

Dagdag ni Ben, “Yeah, the most open I’ve been, that means something.

“But to answer your question, I think we are enjoying what we have now.

“We are serious about each other.”

Umaasa naman silang mapunta sa maganda ang kung anumang mayroon sila ngayon.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Halatang kumportable na sa isa't isa sina Benjamin Alves at Julie Anne San Jose, na exclusively dating na ngayon. Umaasa ang dalawang Kapuso stars na mapunta sa maganda ang kanilang papausbong pa lamang na relasyon.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results