Steve Harvey on hosting Miss Universe 2016: "Let's do it."

by Bernie V. Franco
Sep 6, 2016
Handa si Steve Harvey na muling mag-host ng Miss Universe 2016 pageant, sa kabila ng ulat na ayaw ni Philippine President Rodrigo Duterte na siya ang muling maging host ng prestigious international beauty pageant.

Ang Pilipinas ang siyang nakatakdang mag-host ng susunod na Miss Universe pageant sa January 30, 2017.

Noong nakaraang linggo, ibinunyag ni Tourism Secretary Wanda Teo na sinabihan siya ni Pres. Duterte na ayaw niyang mag-host ng pageant ang American TV host.

Read: President Duterte on Steve Harvey as Miss Universe 2016 host: 'Hindi pwede!''

Pero sa isang tweet, ipinahayag ni Steve na gusto niyang gampanan muli ang paghu-host ng nasabing pageant.

Iniulat na si Steve pa rin ang kinontrata ng Miss Universe Organization na maging host ng pageant.

Nag-tweet si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, gamit ang Twitter account ng Miss Universe, ng throwback photo nila ni Steve Harvey sa isang portion ng pageant noong nakaraang taon.

Continue reading below ↓

Caption nito: “#TBT to the night that changed my life. @IAmSteveHarvey let's do it again and change someone else's life.”

Sinagot naman ito ni Steve at nag-tweet: “Can’t wait. Let’s do it.”

Matatandaang naging kontrobersiyal ang Miss Universe 2015 coronation nang magkamali si Steve ng pag-anunsiyo ng Miss Universe at 1st runner-up.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Si Miss Colombia Ariadna Gutierrez ang sinabi niyang bagong Miss Universe, at 1st runner-up lamang ang kandidata ng Pilipinas na si Pia.

Pagkalipas ng ilang sandali ay muling umakyat ng entablado si Steve upang ituwid ang kanyang pagkakamali.

Read: Miss Universe 2015 host Steve Harvey apologizes for "honest mistake" in announcing the winner

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Handa si Steve Harvey na muling mag-host ng Miss Universe 2016 pageant, sa kabila ng ulat na ayaw ni Philippine President Rodrigo Duterte na siya ang muling maging host ng prestigious international beauty pageant.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results