Neri Naig opens up about Chito Miranda's womanizing in the past

by Rachelle Siazon
Sep 8, 2016
Neri Naig on relationship problem with Chito Miranda before their marriage: "Kahit nasasaktan ako sa kanya dati dahil sa kanyang pambababae at feeling ko hindi niya ako pinagtatanggol sa mga babae na umaaway sa akin, minahal ko pa rin siya."

Inamin ni Neri Naig, 31, na minsan na siyang nakipaghiwalay kay Chito Miranda, 40, dahil sa pambababae nito noong magkasintahan pa lang sila.

Sa kanyang blog post noong September 6, idinetalye ni Neri na maraming ibang babae ang sumubok na agawin sa aktres ang Parokya Ni Edgar lead vocalist.

Lahad niya, “Nung bagong boyfriend ko pa lang si Chito, napakaraming ‘Sadako’ sa tabi tabi, haha!

“Madalas sinisiraan pa nga ako para lang magalit si Chito sa akin. Hindi ko naman pinapansin.

“Minsan may mga tatawag na lang kay Chito ng mga alanganing oras na alam mo namang nananadya. Hindi ko pa rin pinatulan. Marami akong karanasan sa mga “Sadako”.

“Minsan naidyo-joke ko na lang na sa sobrang bait at pasensyosa ko, e, dapat magtayo na sila ng rebulto ko sa harapan ng bahay ni Chito! Hahaha!”

OTHER WOMEN. Ayon kay Neri, may insidente kung saan natunugan niyang bumisita pa ang isang di pinangalanang babae sa bahay ng nobyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Minsan nga may pumunta pa sa bahay ni Chito tapos nag-spray ata ng pabango sa mga unan ni Chito.

“At napapansin ko rin na nauubos yung mga shampoo at moisturizers ko kasi yun pala ginagamit ng lola mo, haha!”

Hindi binanggit ni Neri kung nangyari ito noong panahong nakatira na sila ni Chito sa iisang bubong.

Dagdag ni Neri tungkol sa babaeng umaaligid kay Chito noon, “At ang nakakatawa pa niyan, dinisplay pa niya yung napakalaki niyang picture na naka-frame sa kuwarto ni Chito.

“Hindi ko alam kung matatakot ba ako o matatawa na lang sa kahibangan niya. Hindi ko rin pinatulan.”

Sa halip na awayin ang nobyo, mas ipinaramdam pa raw ni Neri ang pagmamahal niya rito.

“Pinagsilbihan ko si Chito. Minahal ko pa siya lalo. Never ko siyang binigyan ng kahit anong hassle sa buhay.

“Never akong nagbunganga sa kanya. Never akong nagwala. Never ko siyang inaway.

“Kahit nasasaktan ako sa kanya dati dahil sa kanyang pambababae at feeling ko hindi niya ako pinagtatanggol sa mga babae na umaaway sa akin, minahal ko pa rin siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ginantihan ko siya ng kabutihan. Hindi siya nakarinig ni isang reklamo galing sa akin.”

THE BREAKUP. Gayunman, dumating din sa puntong mismong si Neri ang sumuko sa relasyon nila ni Chito.

“Nung nag-twenty eight [years old] ako, na-realize ko na tumatanda na ako at hindi eto yung gusto kong relationship.

“Gusto ko ng normal na buhay. May matinong asawa, mapagmahal na mga anak, simpleng bahay, simpleng buhay. Ayun talaga ang gusto ko.

“Paano kung mag thirty five [years old] na ako tapos ganun pa rin yung lifestyle ni Chito?

“Tapos dun palang kami mag-decide na hindi talaga magwowork, e. Mahirap yun. Kaya nagdecide na ako noon, sinabi ko sa kanya na siguro hindi kami para sa isa’t isa.”

Naging magkasintahan sina Chito at Neri noong 2011.

Sa YES! Magazine March 2015 issue, inamin ni Chito na ang muntikan nilang hiwalayan ni Neri at ang pagkasangkot nila sa isang video scandal ang dalawa sa pinakamatinding pagsubok na pinagdaanan nila sa kanilang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong gabing naghiwalay sila, wala pang isang oras na nag-walkout si Chito sa bahay na tinutuluyan nila nang balikan niya si Neri upang humingi ng sorry.

Sa panayam ng YES!, ikinuwento ni Chito ang madamdaming paghingi niya ng tawad kay Neri:

“Ano pa ba ang gusto kong patunayan? ‘Yong ibang lalaki nga, naghanap ng katulad mo—hindi gumigimik, wife material—tapos pakakawalan ko pa? Ang tanga-tanga ko!”

AFTER THE STORM. Sa pagpapatuloy ng blog post ni Neri, sinabi ng aktres na noong gabi ring iyon ay nangako sa kanya si Chito na babawi ito sa lahat ng sakit na dinanas niya.

Balik-tanaw ni Neri, “Nakuwento niya na habang nagmamadali siyang umuwi na nag-pray siya at nangako siya kay God na hinding-hindi na niya ako sasaktan.

“Nagbago siya on his own, hindi dahil sa sinabihan ko siya na magbago para sa akin.”

Worth it naman daw para sa aktres ang lahat ng pagsubok na pinagdaanan nila ni Chito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Anyway, kaya kung mapapansin nyo kung gaano ako kamahal ni Chito at kung gaano siya magpasalamat sa akin kase sobra talaga ang pinagdaanan ko sa kanya, tapos ang dami pang gumugulo sa tabi-tabi.

“Grabe din kase ang pasensya ko sa kanya. Mahal ko eh. Mahal na mahal ko talaga. Sa kanya lang ako nagpakagago at nagpakatanga ng ganyan.”

Ikinasal sina Neri at Chito sa isang civil ceremony sa Taguig City noong December 13, 2014.

Sinundan ito ng kanilang ceremonial wedding sa Angelfields Nature Sanctuary sa Cavite noong December 14, 2014.

Sa kasalukuyan, ipinagbubuntis ni Neri ang unang anak nila ni Chito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Neri Naig on relationship problem with Chito Miranda before their marriage: "Kahit nasasaktan ako sa kanya dati dahil sa kanyang pambababae at feeling ko hindi niya ako pinagtatanggol sa mga babae na umaaway sa akin, minahal ko pa rin siya."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results