G Tongi bashed for posting news about Duterte-Obama cancelled meeting

by Arniel C. Serato
Sep 8, 2016
Ikinagulat ni G Tongi ang naging reaksiyon ng mga tao sa kanyang post sa Instagram tungkol sa balitang pagkakansela ng meeting sa pagitan nina US President Barack Obama at Philippine President Rodrigo Duterte.

Na-bash ang TV host-actress na si G Tongi dahil sa kanyang post sa Instagram nitong nakaraang Martes, September 6.

Ito ay ang artikulong lumabas sa Los Angeles Times tungkol sa pagkansela ni US President Barack Obama sa meeting niya sana kay Philippine President Rodrigo Duterte, matapos magbanta ang huli na makakatikim ng hindi magandang salita ang presidente ng Amerika mula sa kanya kapag binanggit nito ang extrajudicial killings sa Pilipinas.

Ayon sa caption ng post ni G sa Instagram: “@potus cancels meeting with #D30 #LaTimes #whatashame If you are going to leave ignorant & hateful remarks, get off my wall! #losers.”

Sinabi pa ni G na lumayas na ang followers niyang walang magawa kundi magkomento ng hindi magagandang salita laban sa kanya.

May ilang followers si G na umayon sa kanyang pananaw at mayroon namang sumalungat

Isa sa mga nagkomento sa post ni G ang dating APO Hiking Society member na si Jim Paredes, na inilarawan si Duterte bilang 'immature leader.'

Continue reading below ↓


Matapos nito, sinabi ni G na nagulat siya sa reaksiyon ng mga tao tungkol sa kanyang post.


Continue reading below ↓


Read Next
Read More Stories About
G Tongi
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ikinagulat ni G Tongi ang naging reaksiyon ng mga tao sa kanyang post sa Instagram tungkol sa balitang pagkakansela ng meeting sa pagitan nina US President Barack Obama at Philippine President Rodrigo Duterte.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results