Comedienne Joy Viado succumbs to heart attack

IMAGE File

Comedienne Joy Viado passed away Saturday night, September 10, after succumbing to heart attack at the age of 57. Joy was suffering from diabetes and was almost amputated last year.


Pumanaw na ang comedienne na si Joy Viado nitong Sabado ng gabi, September 10, dahil sa heart attack.

Bagamat may sakit na diabetes si Joy, biglaan ang pagkamatay niya bandang 8:55 P.M.

Siya ay 57 years old.

Ayon sa impormasyong ipinarating ng veteran TV-radio host na si Cristy Fermin sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ilang oras bago bawian ng buhay si Joy ay nakausap pa ng talent coordinator na si Check ang komedyana dahil may shooting pa sana ito bukas, September 11, para sa pelikulang Mang Kepweng Returns na pinagbibidahan ni Vhong Navarro.

Noong 2015 ay muntik nang maputulan ng paa si Joy dahil sa kumplikasyon ng sakit niyang diabetes, ngunit napigilan ito pagkatapos niyang sumailalim sa debridement surgery.

Nagkaroon pa nga ng fundraising event ang ilan sa mga kaibigan niya sa industriya noong May 2015 upang makatulong sa kanyang medical needs.

Read: Comedienne Joy Viado asks for financial assistance to save her leg from amputation

Bagamat mas nakilala bilang isang comedienne-actress, isa ring mahusay na singer si Joy.

Ilan sa mga TV show na nagawa niya ay Kokey At Ako, Pidol's Wonderland, Bagets: Just Got Lucky, Wako Wako, Got To Believe, at LUV U.

Marami rin siyang nagawang mga pelikula, kabilang na ang mga sumusunod: Wanted: Perfect Mother, Kailangan Ko'y Ikaw, Mr. Suave, Zsa Zsa Zaturnnah, Desperadas 2, Petrang Kabayo, Suddenly It;s Magic, Sisterakas, Four Sisters and A Wedding, Girl Boy Bakla Tomboy, Da Possessed, The Trial, Moron 5.2, The Illegal Wife, at You're Still The One.

Ang mga labi ni Joy ay nakaburol sa Arlington Memorial Chapels sa Araneta Avenue, Quezon City.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN