Elmo Magalona admits being close to Janella Salvador's mom

by Melba R. Llanera
Sep 11, 2016
Elmo Magalona (shown with loveteam partner Janella Salvador) is happy about being close to Janella's mom, Jenine Desiderio: “Ako masaya ako na nagagawa ni Tita Jenine yun. As much as I want to be close to Janella, siyempre gusto ko rin yung family niya maging close ko."  

Mukhang hindi lang sa kaparehang si Janella Salvador naging malapit si Elmo Magalona kundi maging sa ina nito na si Jenine Desiderio.

Kamakailan ay nabalita na dumalaw ang mag-ina sa bahay ng aktor at nagdala pa ang mga ito ng pizza para kay Elmo.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa set visit ng Born For You nung Biyernes sa Benpres Bldg. sa Ortigas Center, Pasig City, inamin naman ni Elmo na napalapit talaga siya sa ina ni Janella at kahit nga ang kanyang inang si Pia Magalona ay gusto din naman at malapit din dito sa co-star niya sa Born For You.

Sabi niya, “Close? Sa tingin ko po, opo, kasi dumalaw pa nga siya sa bahay ko.

“Ako masaya ako na nagagawa ni Tita Jenine yun.

“As much as I want to be close to Janella, siyempre gusto ko rin yung family niya maging close ko.

Continue reading below ↓

“Di ko in-expect. Sabi niya sasabihin niya sa akin, pero wala naman akong na-receive.

“Di lang ako nakasama. Ako naman next time ang magdadala ng pagkain.”

“Si Mommy naman sinabi niya sa akin, 'I like Janella, she’s very bubbly at hindi siya maarte.'

“Siguro wala naman akong mami-miss kay Janella kasi magkasama pa naman kami.

“Masasabi ko na nung nagsimula yung Born For You at sa ngayon, talagang mas naging close kaming dalawa.”

JANINE NOT JEALOUS. Hindi naman itinago ni Elmo kahit kailan ang relasyon niya sa girlfriend niyang si Janine Gutierrez, kahit inaalagaan nila na Janella ang kanilang loveteam.

Agad naming tinanong si Elmo kung hindi ba pinagseseolasan ni Janine ang kanyang kapareha.

Sagot niya, “Wala naman.

“Parehas naman kami in the same industry. Gets niya, kasi ganun din naman siya sa work niya.

Kung saka-sakaling wala siyang girlfriend ngayon, may posiblidad kaya na magustuhan at ligawan ni Elmo si Janella?

Continue reading below ↓

Dagdag pa niya, “Kahit sino naman maa-attract sa personality niya.

“Kasi talagang attractive si Janella, she’s really attractive.

“We all know that Janella is only 18.

“Siyempre close na nga kami, so alam ko talagang focused siya sa work niya.

“Nasa sa kanya talaga yun kung kailan niya gustong ipasok yun sa buhay niya—yung magkaroon ng lovelife.”

FRIENDSHIP CONTINUES. Marami sa mga magkakapareha ang close lang at sweet sa isa’t isa habang magkasama sila sa isang proyekto.

Marami ang nag-iisip na baka ang closeness din na nakikita sa ngayon sa Elnella (Elmo-Janella loveteam) ay ngayon lang na magkapareha sila sa Born For You.

“Sa akin, tingin ko hindi mangyayari sa amin yun, kasi habang tumatagal yung show, mas nakikilala namin ang isa’t isa.

“Mas nakikita namin ang similarities namin. So I think kahit tapos na yung show, tuloy pa rin yung friendship,” diin niya.

THANKFUL. Marami sa mga Elnella fans ang nalungkot na sa linggong ito ay patapos na ang Born For You.

Continue reading below ↓

Ayon naman kay Elmo, higit sa lungkot ay nagpapasalamat siya na naging bahagi siya ng nasabing serye ng Kapamilya network.

Aniya, “Beyond that kasi, sobrang grateful namin.

“Ako nga, di ko ma-feel pa kasi masasabi ko, parang nandun pa ako sa high feeling na parang kasisimula lang ng project.

“Ako sobrang grateful ako, di ko in-expect na sobrang daming sumuporta.

“Maraming salamat sa suporta ninyo. Yung mga grupo na nabuo because of the show, it was so unexpected din. Ako natutuwa ako.”

Sa istorya ngayon ay magkaaway ang pamilya nina Elmo at Janella dahil nabuko na ninakaw ng ina ni Elmo (Ayen Laurel) ang kanta na ginawa ng ama ni Janella (Bernard Palanca).

Kung mangyari ito sa totoong buhay, ano ang gagawin ng aktor?

Giit niya, “Paglalaban ko.

“Nandun ako sa stage na mayroon akong sariling pag-iisip, sariling prinsipyo.

“Kung mayroon akong gustong ipaglaban, talagang ipaglalaban ko.

“Ipapakita ko yung side kung bakit yun talaga ang tama para sa akin.”

Continue reading below ↓

STILL TOGETHER FOR FOLLOW-UP PROJECT? Sa isang interview ni Elmo ay nabanggit nito na sa susunod na proyektong gagawin niya, gusto niya na si Janella pa rin ang makakapareha niya.

Nahihinayangan kasi ang aktor sa nabuong rapport nila ng ka-loveteam kahit pa nga may bali-balita na bubuwagin na raw ang tambalan nila ni Janella.

Pahayag niya, “Abangan ninyo yung next.

“Yeah, I said it because nasasayangan ako sa na-build na naming rapport.

“I just really feel comfortable with her. If ever, yes I want to work with her again. Sana movie.

“We just know we have something coming up this year.

“Siyempre in this industry where we are working, ganun talaga.

“Saka parehas pa kami, sobrang bata pa namin.

“It’s inevitable talaga na mangyari. I hope lang na pag nagsama kami uli, yung talagang nag-grow na kami lalo.”

Read Next
Read More Stories About
Elmo Magalona Janella Salvador
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Elmo Magalona (shown with loveteam partner Janella Salvador) is happy about being close to Janella's mom, Jenine Desiderio: “Ako masaya ako na nagagawa ni Tita Jenine yun. As much as I want to be close to Janella, siyempre gusto ko rin yung family niya maging close ko."  
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results