Kris Aquino begins taping for her new show on September 22

by Gorgy Rula
Sep 11, 2016
Ayon sa ilang sources ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), malapit nang simulan ni Kris Aquino ang programang ipu-produce ng APT Entertainment at mapapanood sa GMA Network. Ang programang gagawin ni Kris ay iba raw sa dating ginagawa niya. Hindi raw ito talk show.

Nagbigay ng ideya si Kris Aquino kung kailan siya magsisimulang mag-taping ng programang gagawin niya para sa APT Entertainment.

Kahapon, September 10, ay nag-post si Kris sa kanyang Instagram account ng kuha ng mga anak niyang sina Joshua Aquino at Bimby Yap kasama si dating Pangulong Noynoy Aquino.

Nasa caption nito: “The boys will wear their #collezionec2xjcbuendia when we go abroad next week (Before I resume taping on Sept 22-SURPRISE) so I made them dress up para ma-Ariel na their shirts (swabeng pasok lang ng endorsement) — bigger SURPRISE, Tito Noy arrived. Of course IG moment pa rin.”

Ayon sa ilang sources ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), malapit na ngang simulan ni Kris ang programang ipu-produce ng APT Entertainment at mapapanood sa GMA Network.

Ayaw lang kumpirmahin ng aming source kung sa September 22 na nga ba ang simula ng taping nito.

Ang programang gagawin ni Kris ay iba raw sa dating ginagawa niya. Hindi raw ito talk show.

Continue reading below ↓

Ayaw sabihin ng aming source kung ano ang format nito.

Nagkaroon daw ng pag-uusap nung nakaraang Huwebes, September 8, kung saan dumalo ang isang representative ng Kapuso network.

Isa raw sa napag-usapan ay walang announcement na mangyayari mula sa APT at kay Kris.

Sisimulan na raw ang programa, pero walang presscon at wala munang magsasalita mula sa kanila.

Saka na raw nila pag-iisipan kapag makumpirma na kung kailan ito magsisimulang iere.

Nang nakausap ng PEP si Boy Abunda, hindi rin muna siya nagbigay ng kahit anong impormasyon tungkol sa sisimulang programa ni Kris.

Ang pagkakaalam lang daw niya ay mag-a-abroad muna ang Queen of All Media kasama ang dalawang anak.

Napagtanto ng PEP na ang pag-uusap ni Kris kasama si Mr. Tony Tuviera at anak nitong si Mike Tuviera ay nung nag-post ang assistant ni Boy na si Philip Rojas sa kanyang Instagram account ng kuha ng Queen of All Media na napapagitnaan ng dalawang lalaki.

Continue reading below ↓

Tinakpan ang mukha ng dalawang lalaking kasama ni Kris sa litrato. Pero halata namang ang mag-amang Tony at Mike Tuviera ang kasama niya sa kuhang yun.

Nasa caption lang ng post na iyun ni Philip: “You can’t put this woman down. Her brilliance and hardwork will always keep her going. You may like or dislike her but I bet, that you are still eager in guessing what she’ll do next. She will remain and still be the queen after all.”

Tinanong namin si Philip tungkol sa post na yun, at sinabi niyang sinamahan lang niya si Kris sa meeting.

Hindi naman daw niya alam kung ano ang napag-usapan, at hindi raw siya allowed sabihin ang nalalaman niya tungkol dito.

Hindi na niya kami sinagot kung siya ba ang nag-represent kay Kuya Boy sa naturang meeting.

Base naman sa impormasyong nakalap ng PEP, sa Oktubre posibleng magsimulang umere ang bagong show ni Kris sa GMA Network.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Kris Aquino
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa ilang sources ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), malapit nang simulan ni Kris Aquino ang programang ipu-produce ng APT Entertainment at mapapanood sa GMA Network. Ang programang gagawin ni Kris ay iba raw sa dating ginagawa niya. Hindi raw ito talk show.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results