Watch Now

Beauty Gonzalez: "Sana bigyan nila ako ng chance na makabalik."

by Bernie V. Franco
Sep 13, 2016
Beauty Gonzalez is hoping for another chance in showbiz. The Kapamilya actress bid goodbye to an ongoing teleserye last year because she got pregnant.

Tinawag na “beautiful accident” ni Beauty Gonzalez ang kanyang hindi inaasahang pagbubuntis noong 2015.

Dahil dito, kinailangan niyang magpaalam sa umeereng daytime series noon na Ningning at iwan muna ang showbiz sa kabila ng magandang takbo ng kanyang career.

“Because I got pregnant, honestly, it wasn’t a graceful exit kasi hindi ko naman in-expect na nabuntis ako.

“It was a beautiful accident when I knew na buntis ako. Talagang nanghina ako,” sabi ng aktres sa interview niya sa Rated K na umere nitong Linggo, September 11.

Hindi man siya handang mabuntis, pero pinanindigan ito ni Beauty.

Sabi pa niya, nagtrabaho siya hanggang ikawalong buwan ng kanyang pagbubuntis at hindi ito nahalata sa telebisyon.

Ang ama ng kanyang anak ay ang kanyang partner na si Norman Crisologo.

Samantala, umaasa si Beauty na makabalik sa showbiz para paghandaan ang kinabukasan ng anak na si Olivia Ines, na isinilang niya noong February 2016.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naluluhang sabi ng aktres, “Siyempre gusto ko pong bumalik.

“I understand naman na na-disappoint sila dahil, yun nga, nangyari yun.

“Sana bigyan nila ako ng chance na makabalik ako.

“I miss doing acting, I miss everyone, I miss showbiz.

“I never had a chance to say this.”

Wala naman daw pagsisisi si Beauty dahil ngayong may anak na siya ay nagkaroon ng purpose ang kanyang buhay at naging kumpleto rin ito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Beauty Gonzalez is hoping for another chance in showbiz. The Kapamilya actress bid goodbye to an ongoing teleserye last year because she got pregnant.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results